CHAPTER 2.2: REALITY BITES

290 15 2
                                    

Present time...

Napangiti ako nang magising. Base sa liwanag sa labas ng bintana ay tanghali na. Sinubukan kong maginat pero napangiwi ako sa naramdamang sakit ng katawan.

Nanakit din ang pagkababae ko. Hindi na ako magtataka dahil sa nangyari ng nagdaang gabi. It was wonderful.

I turned around to see the man I spend the whole night with but to my disappointment, he's not there. Luminga ako at bahagyang bumangon. "King?" tawag ko sa paos na boses.

Katahimikan ang sumagot sa akin. Pinilit kong bumangon. Binalot ko ang hubad kong katawan ng kumot bago lumabas saka siya hinanap sa buong bahay.

"King..." hinang anas ko. Hinang napaupo na rin ako sa sofa. Hindi ko alam ang iisipin.

Alin? Ganoon lang? Last night was woderful. We talked as if we knew each other for ages. Pero kung mawala siya ay ganoon na lang. Parang bulang nawala.

"No... this is impossible." bulong ko at bumalik sa kuwarto.

Ayokong isiping casual lang ang lahat. Hindi ito isang one night stand! He knew he was the first and only man in my life. He should get it that I am not into casual sex!

Nilibot ko ang bulng kwarto at naghanap ng ebidensyang babalik siya o hindi niya pinuputol ang communication sa akin pero hinang napasadlak na lang ako sa ibaba ng kama nang wala akong makita. Ni hindi niya iniwanan ang personal number niya!

Napaigtag ako nang mag-ring ang cellphone ko sa bag. Full volume iyon kaya rinig ko agad.

Tumalon ang puso ko. Bigla akong nakaramdam ng pagasa. Halos talunin ko na ang bag at nagmamadaling kunin ang cellphone. Pero nadismaya ako nang makitang si Raven ang caller.

"Hello?" seryoso kong sagot at bumuntong hininga. Napahagod ako sa buhok at hinilot ang sentido ko.

"This is so shocking. Nai-transfer na sa account ng orphanage ang pera and guess what?! Mr. Zacariaz made it double! And he confirmed it!" halos patiling balita ni Raven.

I am so damn shocked! Hindi agad ako nakapagsalita. Overwhelmed ako. Sobra akong thankful dahil napakalaking tulong iyon sa orphanage.

Pero kasabay noon ay nakaramdam ako nang pagtataka. Bakit ang laki nang ibinigay? Ganoon ba kagalante si King?

"Give me his nunber. I want to talk to him." pigil hingang sabi ko.

"Oh, okay. You sound different. Okay ka lang?" bahagyang worried na tanong ni Raven.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I am always cool and composed. Kaya ramdam agad ni Raven na may iba sa akin.

"W-Wala naman. Gusto ko lang siyang tawagan para mapasalamatan." pagdadahilan ko.

"Oh, okay. Ito ang ginamit nyang number."

And she dictate the number as soon as I have got my pen and paper. Agad na akong nagpaalam. Segundo ang pinalipas ko bago ko tawagan ang landline number na ibinigay ni Raven.

Nang mayroong sumagot ay doon ko napagtanto na hindi personal number iyon kundi direct number sa office ni King. Secretary niya ang sumagot.

"May I speak with Mr. Zacariaz?" kinakabahang tanong ko. Nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"I am sorry so inform you but my boss isn't around. Kakaalis lang po niya papuntang U.S." pormal niyang sagot.

"W-what?" naguguluhan kong tanong.

He left just like that! Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang mangyayari.

But still, I am hoping. Baka mayroon lang mahalagang nilakad si King. He is a busy person, I know. I should understand him.

"Kailan siya babalik? Pwede ko bang mahingi ang contact number niya?"

"I am sorry, Ma'am but I am not allowed to disclose that information. But you can leave your number. Sasabihin ko na lang po na gusto niyo siyang makausap."

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Agad ko nang ibinigay ang lahat ng contact numbers ko at umaasang tatawag si King.

Nagpaalam na ako. Panay ang buntong hininga ko at kakaisip kay King.

Though he is a well known man, for me he is mysterious. Palaisipan sa akin ang lahat ng ito. I have a bad gut feeling and I don't really want to entertain it. Nakakapanlumo iyon.

Umaasa ako sa isanf simpleng paliwanag niya.

And that day passed. Walang tumawag na King sa akin. Hindi ako mapakali pero magpigil akong mangulit at tumawag sa secretary niya.

Isang buong Linggo ang lumipas. Nagkaroon na ako ng schedule sa modeling at commercial ad shooting.

At walang King na nagparamdam.

Hindi ko na talaga natiis. Tinawagan  ko na ang secretary niya.

Habang nag-ri-ring ang telepono ay panay ang kabog ng dibdib ko.

Hanggang sa mayroong sumagot. Natigilan ako nang mabosesan ko iyon.

"K-King?" pigil hiningang tanong ko. Halos pumutok na ang dibdib ko sa sobrang pagkataranta.

And I just realized why I am acting that way. Ganito katindi ang epekto ni King sa akin. Just hearing his voice saying 'hello' to me drive me really this crazy.

Pumatlang ang bahagyang katahimikan hanggang sa narinig ko ang sa background ang secretary ni King. Their slight conversation gave me an impression that her secretary wasn't on her post. Napadaan lang si King at sinagot ang tawag ko.

Timing!

"Yes speaking." pormal na sagot ni King at nawala na ang boses ng secretary niya. Mukhang umalis para magbigay ng privacy.

"K-King, si Adriana ito." pakilala ko.

"Oh, hi! Is there anything I can do for you?" kulang sa sigla ang boses ni King.

Parang piniga ang sikmura ko pero nagpigil akong maging emotional.

"Gusto sana kitang kausapin tungkol sa donation mo. Napakalaki naman yata." halos hindi na ako humihinga sa mga sinabi ko.

"That's nothing. Besides we had a wonderful night together. Kulang pa iyan kung tutuusin."

"What?" naguguluhan kong tanong.

"I enjoyed that's why I made it 2 billions."

Napatanga ako sa sinabi niya. Saglit iyong hindi tinanggapng utak ko hanggang sa nag-sink in sa akin ang pangiinsulto niya.

"Walang bayad ang nangyari sa atin." nagpipigil kong sabi

"Oh you are giving it for free?"

Sumulak na ang dugo sa ulo ko. Kung gusto niya akong galitin, nagtagumpay siya. Nanggigil na ako!

"You are an asshole!" Sikmat ko. ahalos manginig na ang buong katawan ko sa galit.

"Adriana--"

"I couldn't believe I am hearing these words from you. Free? 2 billions? Ano'ng palagay mo sa akin? FYI, I gave it to you because I like you! But you made me realize that you are not the King I admired. You are just an asshole. Plain and simple!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili niya. Its useless. Nothing will change the fact that he's a monster.

Hanggang sa napabunghalit ako nang iyak. I felt so heartbroken. Sobrang sama ng loob ko kay King.

Ano ba ang kasalanan ko para gawin niya ito sa akin? As far as I remember, wala akong matandaang ginawa para gawin niya ito sa akin.

Napahagulgol ako sa palad. Panay ang isip ko at kakabigay ng lohikal na dahilan hanggang sa napagtagni ko ang lahat.

From the beginning, he impressed me. He let me see his good side. Now it's time to see the real him. His bad side.

And I finally realize that my fantasy is over.

It's time to face the reality.

And it sucks.

THE TYCOON'S REVENGEWhere stories live. Discover now