CHAPTER 2: NIGHT OF MY FANTASY

432 22 26
                                    

"Shall we?" tanong ni King at isang matamis na ngiti ang isinagot ko. Inalayan niya akong bumaba sa stage at sinalubong kami ni Raven at ng mga administrator sa orphanage. Kilig na kilig sila. Obvious sa ngiti at spark sa mga mata nila.

And I will be very honest. Kinikilig din ako. Parang high ang pakiramdam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na 1 billion ang pinakawalan niya.

Nalilito tuloy ako. Bakit niya ginawa iyon? Para ba sa akin o para sa orphanage?

"Thank you so much, Mr. Zacariaz. Malaking tulong ito sa orphanage. Hindi lang karagdagang building ang maipapagawa namin. Makakabili na kami ng mga makabagong learning materials." natutuwang sabi ni Raven.

Panay ang puri ng mga kasama ko at tahimik ko lang pinagmasdan si King na hindi ko nakikitaan ng yabang. Hindi ko rin siya nakikitaan ng hiya. Sakto lang. It was like everything is natural.

This is the first time I saw him in flesh. Laging sa internet, newspapers at TV ko lang siya nakikita. Hindi ko akalaing ganito siya kaguwapo sa personal at ganito ang personalidad.

And he is oozing in sex appeal! Lahat ng babae sa party na iyon ay alam kong nakatanga sa kanya at humahanga. We are swooning! Manhid lang ang babaeng hindi hahanga kay King.

His life and background were all over the news. Every one knows that King is a 35 year old business tycoon. He is an engineer, industrial designer and technology entrepreneur.

He was the founder and CEO, lead designer and chief engineer of PolariX-a private aerospace manufacturer and space transportation services.

He was also early investor, CEO and product architect of Fussion Motors Inc.-an electric vehicle and clean energy company based in Texas. As of May 2020, he has net worth of $36.5 billion. He was ranked 40th richest man in the world.

Yes. I know everything. Isa rin ako sa mga tagahanga niya. Isa pang hinahangaan ko rito ay hindi siya ang tipo ng lalaking kung sinu-sino ang partner. Ayon sa balita ay nakadalawang girlfriend lang siya. Lahat ng iyon ay nagtagal.

"Asahan ninyong hindi ito ang magiging huli na gagawin kong pagtulong. My company is also sponsoring some orphanage in the US. Kung nagagawa namin iyon sa US, bakit hindi sa sariling bansa ko?" sabi ni King saka uminom ng wine nang walang halong pagyayabang.

Napatango kaming lahat. Hindi ko tuloy maalis-alis ang tingin ko kay King. Overwhelmed at sobrang taas na nang tingin ko sa kanya.

Hanggang sa napatingin siya sa akin. Kumabog ang puso ko. Saglit akong nalito. Naramdaman ko pang nag-init ang mukha ko. His eyes made me feel this way. His stares were electrifying my whole being.

"And thanks to you. Dahil sa'yo, nagkaroon ng shelter ang mga ulila." he sincerely said to me.

Napakurap ako at tila nagising sa mahikang bumalot ulit sa akin. Kinalma ko ang sarili bago sumagot.

"It is my passion. Salamat na rin sa mga kagaya mong mayroong malaking puso." sincere ko ring sagot. Nagiinit pa rin ang puso ko sa sinabi niyang papuri.

"Honestly, orphan ang gusto ko talagang tulungan. I have a personal reason." sabi ni King at na-curious ako sa huling sinabi niya.

Napaisip ako kung ampon siya. Wala kasi akong natandaan o nabasa sa internet about doon.

"Marami ka sigurong kaibigan na orphan." singit ni Raven.

Nanliit ang mga mata ni King. Tila saglit siyang may naalala. He looked even mysterious now. I am dying to know him more!

"Mr. Zacariaz?" untag ni Raven.

Doon napakurap si King at huminga nang malalim. Tipid siyang ngumiti.

THE TYCOON'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon