CHAPTER 4.2 GETTING CLOSE

275 10 2
                                    

"Ate Adriana, tabi tayong matulog please?" ungot ni Mia pagkabukas ko ng pinto. Katatapos ko lang maghilamos at naghanda para matulog.

Halos isang linggo na ako sa ampunan. May mga schedule na ako para sa modeling at taping sa susunod na linggo. Inuubos ko na lang ang oras ko sa amupunan. Sa dami ng naka-line up ko na schedule, nasisiguro ko na matatagalan ako sa pagdalaw dito.

Yamamoto Rui, the Japanese business tycoon donated 5 million pesos. Matapos ang charity ball ay hindi kami naghintay ng matagal dahil agad din niya iyong pina-transfer sa account ng orphanage. Sa ngayon ay magsisimula nang ipatayo ang new building para sa mga bata. Mas maramo na kaming ma-accomodate na ulilang bata ngayon.

"Okay. Halika." sagot ko kay Mia at tabi kaming nahiga. Yumakap siya sa akin at pumikit. Ako naman ay nagisip pa ng magandang idagdag sa ampunan nang  biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa side table. Pagtingin ko ay nakita kong si King ang caller!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong nasabik na sagutin iyon. I am not going to deny it. I am excited to hear his stories. Nasundan ang pag-travel ni King. Noong huli ko siyang nakausap ay nasa Malaysia siya. He was busy meeting some investors.

"Hello?" sagot ko makalipas ang ilang segundo.

"Hi!"masigla niyang bati.

Napangiti ako. His energy suddenly warm my heart. "You sound happy."

"Yes. I will be in the Philippines. Kaunting oras na lang. Inaayos na lang ang mga gamit namin. Sasakay na ako niyan sa private plane."

Napabangon ako. Bigla akong hindi mapakali. "R-Really?"

"Yes. I can finally see you." he said.

Pinigilan kong mapangiti pero deep inside, kinikilig ako. He wanta to see me! And I am dying to see him too.

Ah this is really frustrating. Ang hirap pigilan ng damdaming ito.

"But I will be leaving soon." sabi ko at binanggit na ang mga schedule ko.

Napalatak siya. Mahina akong natawa. "We are worlds apart."

"Oh I don't believe that." disagree niyang sagot.

"Why?" nangingiting tanong ko

"Dahil sisiguraduhin kong magtatagpo pa rin ang mga landas natin." desidido niyang sagot.

At halos impit na akong mapaungol sa kilig. Panay ang breathe in and out ko para kalmahin ang puso.

"Why are you so dedicated, King?" naa-amaze kong tanong.

"Because I realized I like you. Gusto kong bumawi sa mga ginawa ko noon. I hurt you. I know and I am so sorry for that." seryoso niyang sabi na nagpatunaw ng husto sa puso ko.

"King..." anas ko. Speechless talaga ako. My heart is also disoriented now. Its beating so hard it wants to explode.

"I have to go. See you after 4 hours." sabi niya at narinig ko sa background na tinatawag na nga si King.

And we both say our goodbyes. Nahiga na ako pero hindi ko agad nagawang nakatulog. 9 o'clock na ng gabi. Bandang ala una ng madaling araw ay nasa Pilipinas na si King.

Hindi tuloy ako mapakali. Damn it. Hindi tuloy ako nakatulog kakaisip kay King. Buhay na buhay ang isip ko.

I kept thinking about him. Pupunta ba siya rito o magpapaumaga na? Ay ewan! Gulong-gulo talaga ang utak ko dahil sa kanya.

Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiisip. Dahil sa puyat, tinanghali ako ng gising. Lunch  time na nang bumaba ako. Ngiting sinalubong ako ni Raven.

"Let's go. It's lunch time!" kilig niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. "What's up? You look happy." puna ko habang naglalakad kami papuntang dining area. Unti-unti ko nang naririnig ang masasayang boses ng mga bata.

Humagikgik lang si Raven at iginiya na ako papasok sa dining area. Agad akong binati ng mga bata.

"Ate Adriana! Dito!" tawag ni Mia sa akin.

Ngiting hinanap ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko siyang kumakaway. Nagulat ako nang makitang tabi sila ni King!

Tumayo si King at ngumiti. Ako naman ay hindi agad nakahuma. Bigla akong nalito sa presence niya. My heart goes crazy! I can't breathe! Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang magkakaroon ako ng heart attack!

And King headed towards me. He walks confidently as if he owns every thing surrounding him. But regarldess of confidence, his oozing sex appeal combined with finess were there.

And by simply watching the man I have been thinking over, I couldn't think straight.

Ganito ang epekto ni King sa akin.

"Hi! Kain na." he said and smile. Simpleng tango ang iginawad ni King kay Raven.

"K-Kanina ka pa?" pasimple kong kinagat ang bibig ko. Damn! Did i juust stammer? Ugh! Nakakahiya!

But King seemed didn't mind. Thanked God.

"Mga 9 o'clock." sagot niya at iginiya na ako sa tabi ni Mia. "Hindi ka na namin ginising. Masarap daw ang tulog mo sabi ni Mia."

Pinaghila niya ako ng upuan. Nasa pagitan namin si Mia na mukhang masaya.

Nagsimula na kaming kumain. Patingin-tingin ako kay King. Nagiinit ang dibdib ko sa tuwing nakikitang nage-enjoy siya sa pakikipagusap sa mga bata. He seemed natural.

Isa iyon sa ina-admire ko kay King. Hindi siya maselan. He acts like their older brother. Dahil sinigang na bangus ang ulam, pinaghihimay niya pa si Mia.

"For you." sabi ni King at binigyan din ako ng nahimay na isda.

"Thanks." simple kong sagot pero kinikilig na naman ang puso ko sa pagaasikaso niya.

"It's Saturday. Hindi ba natin ipapasyal ang mga bata?" tanong ni King kapagdaka.

Hindi pa ako sumasagot, ang mga batang nakarinig ay naghiyawan na sa saya!

Natawa si Raven na nakaupo sa tapat ko. "I can arrange everything. Just say 'yes'." sabi niya.

Napatingin ako sa mga bata at natawa sa mga puppy eyes nila.

"Ipasyal natin bago ka man lang umalis. Tell me. Sa Zoobic o sa Ocean Park?" sabi ni King.

Mukhang lalong namula ang hasang ng mga bata. Nagsipaghiyawan na.

And I don't have a heart to break their hearts.

"Okay. Sa Zoobic na lang. Gawin natong overnight para makapag-enjoy sila." nakangiting sagot ko.

Nagsipaghiyawan ang mga bata. Kami naman ni King ay nagkangitian.

And I am excited! Thankful din ako dahil mapapasaya namin ni King ang mga bata.

THE TYCOON'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon