CHAPTER 3:4 BE STILL, MY HEART

292 17 1
                                    

"MISS AMBROSIA, are you okay?" tanong ng make up artist ko at napatuwid ako ng upo. Hindi ko namalayang natulala na naman ako dahil naalala ko si King.

It's been a week since the last time I saw him. Magmula noon ay araw-araw na niya akong tinatawagan. Hindi ko iyon sinasagot.

Honestly, I don't know how to face him. The last time we talked, I lost my control. And I realized that time how much it hurts me. Sobra akong nasaktan dahil sobra ko siyabg sineryoso.

At alam kong alam na niya iyon. Wala na akong maitatago. Ano pang mukha ang maihaharap ko? And I am also scared. He can use my feelings against me. Hindi ko na siya mapagkatiwalaan dahil sa sakit na ibinigay niya sa akin.

"Y-Yes. I'm good. Bakit?" sagot ko nang makabawi.

"Tinatawag ka na sa set. Magsisimula na ang taping." sagot niya.

Agad na akong tumayo. Kasalukuyan akong nasa taping ng bago kong labas na make up set. Katerno iyon ng bagong design na damit ko para sa summer.

I am the brand ambasador of 'Adriana'-my make up and clothing line. 30% ng profit ay napupunta sa orphanage.

Dahil ilalabas na iyon sa market, gumagawa kami ngayon ng commercial.

Doon ko inubos ang oras. Inabot kami ng gabi. Iba-ibang anggulo ang kinuha. Nakakapagod pero okay lang. Sanay na ako at mahalaga sa akin maging perpekto ang kalalabasan.

Nang matapos ay magsiuwian na kami. Masama ang panahon ay umaambon. Papasok na kami sa kanto ng tinitirahan ko nang biglang umulan ng malakas.

Nagulat ako nang madatnan sa labas ng gate ang sasakyan ni King. Agad siyang lumabas nang makita ako. Binalewala niya ang ulan.

Agad tumibok nang mabilis ang puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Saglit akong natulala sa guwapong naglalakad papalapit sa gawi ko. Salamat sa lamp post. Kitang kita ko si King.

He was still dashing as ever. While looking at him, I remember how I used to think of him. For me, he's a hero, a kind king. I even thought that he could be my everything. Pero nagkamali ako. Agad ko siyang nakilala matapos ang isang gabing kahibangan.

"Ma'am?" tanong ng driver ko.

Napakurap-kurap ako at iniwas ang tingin kay King. Doon siya kumatok sa bintana ko.

"Adriana!" tawag ni King.

Napilitan tuloy akong ibaba ang bintana at parang piniga ang puso ko nang makitang basang-basa siya.

"Sira ka ba?! Ang lakas ng ulan!" hindi ko mapigilang usig.

"You are not answering my calls. Kaya pinuntahan na kita. Nagaalala ako." sabi niya ay bakas ang katapatan sa mga mata niya.

Natunaw ang puso ko. Nakadagdag ang awa pa sa nakikita kong kalagayan niya.

But no! Kailangang tigasan ko ang dibdib ko. Hindi ako dapat madala sa mga ipinakikita niya.

"Sige na. Umalis ka na?" taboy oo ay isinara ang bintana.

Inutusan ko na ang driver na ipasok na ang sasakyan. Panay ang kumbinsi ko sa sarili ko na tama lang na iwanan ko si King ng ganun na lang. Iyon naman ang ginawa niya sa akin kaya magdusa siya!

Agad na akong pumasok sa bahay at naghilamos. Nang matapos ay nagbihis na ako ng pantulog at naupo sa harap nh dresser. Pasulyap-sulyap ako sa cellphone dahil naalala ko si King.

Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko napansin kung umalis na siya dahil hindi ko narinig ang sasakyan niyang umalis. Or dahil na rin sa umuulan kaya ko hindi narinig?

Natukso tuloy akong silipin. At para sa ikapapanatag ko, sinilip ko na at napanganga ako nang makitang nakatayo pa rin si King sa tapat ng gate! Kahit umuulan ay nandoon pa rin siya!

Bigla akong na-guilty. Ni hindi ko man siya pinilit na umuwi na. Nagawa ko pang maghilamos at kung anu-ano pa samantalang nandoon siya, nagpapakabasa!

Dali-dali kong kinuha ang cellphone at tinatawagan siya habang nakasilip sa bintana. Napalingon si King sa sasakyan, mukhang nakitang umiilaw ang cellphone. Agad niya iyong nilapitan at sinagot.

"Hindi ka pa tulog?" malumanay niyang tanong na tumunW ulit sa puso ko.

"King, what are you doing?" desperado kong tanong.

He sighed. "I am losing my mind here." he said. His voice became desperate too.

"King..." anas ko.

"I am sorry for disturbing you. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na hindi ka makita."

Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko para pigilang makaramdam ng kilig at tuwa.

"King, umuwi ka na. Please." giit ko at sana ay pumayag na siya para matahimik na rin ang puso ko.

"Okay. Uuwi na ako. Pero babalik pa rin ako at tatawagan ka. I want to make up for everything. Good night, Adriana."

Natulala na lang ako sa cellphone nangag-busy tone na lang iyon. Pauli-ulit na nag-echo sa isip ko ang sinabi ni King: he wants to make up and he will come back!

Totoo kaya? But he's a tycoon! Busy ang mga kagaya niya.

Sa huli ay napailing na lang ako. Alin? Aasa na naman ako at magtitiwala?

No way.

-----------------------------------------------------------

HI!

THANK YOU FOR READING!

KUMUSTA NAMAN PO SI KING SA INYO?

KALMA LANG PO. KEEP CALM AND READ LANG PO HEHE.

❤️❤️❤️

THE TYCOON'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon