CHAPTER 4.3 HEALING

253 7 1
                                    

"Are you having fun?" nakangiting tanong ni King sa akin. Hindi na nawala ang ngiti ko rin sa mukha habang pinanonood ang mga batang nag-e-enjoy sa pamamasyal namin. Nasa mga bata ag focus naming ni King at hindi pa kami nakakapagusap ng solo. But that was okay. Gustung-gusto ko rin nakikitang nage-enjoy si King. Halos hindi na niya ibinaba si Mia. Lagi niyang buhat ang bata. I realized that King is consistent on how he cares about the kids. Dahil doon ay nagiba ang tingin ko sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ko kay Raven at mga staff ng ampunan. Kundi dahil sa kanila na nag-arrange ng lakad na iyon ay naging possible ang lahat. Matapos naming mapagdesisyunan ang lakad ay agad nang nagpa-reserve si Raven ng hotel at nakipagugnayan sa admin ng Zoobic.

Thankful din ako kay King. Bukod sa sinagot niya ang hotel accommodation, foods at shuttle ay sinagot din niya ang iba pang expenses. Halos hindi nagalaw ang pondo ng ampunan.

"Yes. Thank you." Nakangiting sagot ko. Lalo akong napangiti nang maghikab si Mia na buhat pa rin ni King at itinulog na ang pagod sa balikat niya. "Kanina mo pa hawak 'yan."

"It's okay." Nakangiting sabi ni King.

Nahihiyang umiling ako at tinawag si Mayla. Kasama ang halos lahat ng staff sa pamamasyal para na rin makatulong sa paga-assist sa mga bata. Pinakuha ko na si Mia sa kanya at pinadala sa hotel.

"Ikaw? Hindi ka pa ba napapagod?" tanong ni King at isinuksok sa tainga ko ang gahibla ng buhok na nawala sa pagkakatali. Agad nanayo ang balahibo ko. Kahit parang natural lang kay King ang iginawi ay ikinailang ko pa rin. My heart could stay still. Napakabilis ulit ng tibok noon. Kinailangan ko pang kalmahin iyon bago sumagot.

"Hindi pa. Ikaw? Hindi ka pa nakakabawi ng pahinga sa mga naging travel mo ay heto ka agad. I think you need to go to hotel and rest." Suggest ko.

Umiling si King. "Nah. I want to stay here with you."

Kinilig na naman ako pero hindi ko pinahalata. Dito ko na-realize na napakahirap pa lang itago ang totoong saloobin. I couldn't even giggle! Damn! "Do you really mean that?"

Tinitigan ako ni King. Ako naman itong hindi makatingin ng diretso! Parang nanunuot sa bawat himaymay ng pagkatao ko ang titig ni King. Hindi ako mapakali.

"I mean it." He seriously said. Hinawakan niya ang baba ko at marahang itiningala para magkasalubong ang mga titig namin. Napalunok ako. Nanuyo ang lalamunan ko at naginit ang mga pisngi ko. He kept on staring at me like the way I want him to look at me.

"King..."

"I know you don't trust me. It's my fault. I understand." Sabi niya habang malambong ang mga mata. Tumutunaw iyon ng husto sa mga sama ng loob ko sa kanya.

"King..."

"And I am so sorry. I really do, Adriana. Maghihintay ako hanggang sa mawala ang galit mo sa akin." He said apologetically.

Tunaw na tunaw ang puso ko. Ramdam ko ang sincerity ni King pero mayroon pa ring takot sa puso ko na magtiwala ulit. And thankful ako dahil nakikita kong hindi naman siya nagmamadali.

"Are you hungry?" tanong niya kapagdaka.

Pinakiramdaman ko ang sarili at tumango. Four na ng hapon. Hindi pa kami nagme-meryenda kaya iyon ang sunod naming ginawa. Tinawag na naming ang mga bata at lumabas sa Zoobic. Sa restaurant kami ng hotel nagpunta at doon kumain.

Napatingin ako kay King nang lagyan niya ng dalawang magkaibanga pasta ang pinggan ko. "No diet this time, okay?" nangingiting sabi niya.

Hindi na ako umangal. Tahimik ko na lang kinain ang mga bigay niya kahit na deep inside ay naghuhumiyaw ang kilig ko. Napaigtad na lang ako nang mayroong sumipa sa paa ko sa ilalim ng mesa. Napaangat ang tingin ko kay Raven. Mayroong kislap ng kilig ang mga mata niya. At nagkaintindihan kami. Marami akong ikwukwento sa babaeng ito.

Buong oras ay maasikaso si King sa akin. Nang matapos ay nagaya si Raven na magpunta sa CR. Pagdating doon ay nagkahagikgikan kami.

"He's nice!" impit niyang sabi.

Tumango lang ako. Kilig na kilig pa rin. Napangiti si Raven. "Alam ko na hindi rin naging maganda ang impresyon ko kay King noon. I used to hate him."

"Used to?" tanong ko.

"Yes. Pero magmula noong tulungan niya akong dalhin ka sa hotel room noong malasing ka sa charity ball at nakita ko kung gaano ka niya inasikaso, nabawasan ang inis ko. After that, I saw his effort to win you back. Nakakawala ng inis." Ngiting sabi ni Raven.

Napangiti na rin ako. Nakaka-proud. Nakakaramdam ako ng yabang para sa sarili na isang kagaya ni King ang nagbibigay ng ganoong effort sa akin.

"Pero hindi ko magawang tanggapin agad siya." Amin ko.

"And it's natural. Let him heal you. Mukha namang handa siyang gawin ang lahat para mawala ang galit mo sa kanya." Payo ni Raven.

Tumango na ako at huminga ng malalim. Iyon din ang nakikita at nararamdaman ko kay King. Ginagawa niya ang lahat. Kusa namang nakikinig ang puso ko sa lahat ng effort ni King.

But the big question is, paano na kapag umalis na ako? Magiging consistent pa rin ba ang effort ni King? Oo at nangako siya pero paano niya pa rin iyon magagawa kung magiging busy siya? He's a tycoon. Will he pave a way for me?

THE TYCOON'S REVENGEWhere stories live. Discover now