Chapter 9

526 26 6
                                    

Valarie

Hindi ko na kinwento kila Kathy ang ngyari sa weekend ko. It was just, I don't even know what to call it! Napaka-random kasi ng araw na yun, nawala bigla si kuya e may usapan naman pala sila kaya ang ngyari ako ang nag-tour sa kanila. Masaya naman silang kasama and kahit papaano nakapag-adjust naman ako sa kanila, although nandoon pa din yung respeto ko sa kanila and I guess that won't ever be gone?

"Bagay talaga sayo ang glasses mo! Ang cutie mo lang," namula naman ako sa sinabi ni Sleigh kaya naman natawa sila, hindi talaga ako sanay kapag pinupuri ako. Para sa akin kasi ay normal lang ako, average, nothing to be in awe about.

Weaponry na naman ang klase namin ngayon kaya naman sinigurado ko na maayos ang protective barrier ng glasses ko, mahirap na. Napangiti si Sir Stanley ng makita ako na naka-salamin kaya agad akong napanguso.

"Mukhang hindi mo na mapapatay ang kakampi mo, a resourceful choice," natawa na naman ang mga kaklase ko kaya napahinga na lang ako ng malalim, sa dami ata ng mga ngyari sa akin ay hindi na ako ganoon ka-apektado.

Kinuha ko na ang scepter ko at nagsimula na kaming mag-ensayo. Binigyan kami ng mga elves ng mga training routine kaya naman agad namin yun sinimulan. Doon kami bilib kay Sir Stanley, personally for us ang mga training routines na binibigay niya sa amin. 

"Sir naman! Ito ulit?" Napahinga na naman ako ng malalim ng marinig na magreklamo ang ilan sa mga kalalakihan, siguro ay nababagot na sila o nadadalian sa kanilang mga routine. Bakit kaya hindi na lang nila gawin? Hindi naman na parang sa wala lang ang mga pinapagawa sa kanila, there must be a reason at hindi na kailangan i-explain yun sa amin ni Sir Stanley. Siguro yun ay dahil gusto niya na kami mismo ang makaalam noon.

"Ms. Nhinyae," natigilan ako ng tawagin ako ni Sir Stanley kaya naman alinlangin akong lumapit. Nakakunot na napatingin sa akin ang mga kalalakihan, nagtataka din siguro kung bakit ako tinawag ni Sir Stanley.

"Have you been doing your routine?" Nagtataka man ay tumango ako sa sinabi ni sir, madali lang naman kasi yun at may rason kung bakit yun pinapagawa sa amin so bakit hindi ko gagawin? May rason kung bakit siya ang teacher namin so why shouldn't I follow him and try his way of improving, mas okay na yun kesa sa magreklamo I guess.

"Good, shoot these," napamaang ako ng makita ang mga gumagalaw na isang daan na piraso ng mga bilog, malilikot ang mga ito kaya naman napalunok na lang ako, iba-iba din ang laki ng mga yun.

Ramdam ko na nakakuha na naman kami ng attensyon kaya naman pumikit ako at huminga ng malalim.

Step 1 - believe in yourself

Sinabi ko sa isipan ko ang mga steps na nakalagay sa routine ko, kahit na mukhang walang kwenta ay sa tingin ko na importante yun. Dahil kapag naniwala ka sa sarili mo magkakaroon ka ng kahit konting confidence at gagawin mo ang pinaka 1st step, ang sumubok.

Step 2 - focus

I cleared my mind, pinilit ko munang hindi isipin yung ginawa ni Kyllen-sama noong weekend. Ng maging kalmado na ako ay tinaas ko ang scepter ko, naramdaman ko na maginit ang gilid ng aking mga mata. Pinakalma ko ang sarili ko, you can't let it control you Valarie.

Step 3 - chant clearly

"Aquiris, River Splash!" Chant ko, gumawa ako ng ilang mga moves gamit ang scepter ko pero sinigurado ko na kontrolado ko ang pag-agos ng tubig kaya naman hindi nabasa ang mga kaklase ko o kaya naman si Sir. Napangiti ako ng matamaan ko ang pulang bilog na siyang pinakamaliit at malikot sa lahat.

Pinatigil ako ni sir kaya naman tumigil ako kahit na kalahati pa lang ang natatamaan ko sa isang daan na mga malilikot na bilog. Napahinga na lang ako ng maluwag ng mataman ko na ang pinakamahirap sa lahat.

Not The Chosen OneWhere stories live. Discover now