Chapter 31

348 23 1
                                    

Valarie

"Shouldn't you be with your brother?" Tanong niya habang nage-ensayo pa din, napansin ko na dalawang espada ang hawak niya.

Kakatapos ko lang ikwento ang lahat ng ngyari. Paano ko nagawa yun? Hindi ko din alam, pakiramdam ko lang kasi ay kailangan kong malabas lahat.

Nakakainis, deserve ko ba talaga na mag Lead Fu? Kasi parang hindi ko deserve, bakit ba kasi ako?

Dahil lang ba advance ako? Dahil ba sa pagiging iba ng dugo ko dahil sa panahon ng pagkapanganak sa akin? Dahil ba gusto lang nila ipakita na patas sila at bibigyan din naman nila ng chance ang mga Mid tier na tulad ko?

Kasi halata naman na wala sa lakas ko ang dahilan kung bakit nila ako pinili. Hindi ko maiwasan mainis, bakit ba kasi hindi ako mas naging matatag?

Sana kung nagawa ko lang humindi. Deep down ba ay ginusto ko talagang maging Lead Fu? Ang mapagkait ko naman pala...

"Wanting more is never a crime Val, so don't blame yourself for that," nagangat ako ng tingin ng sabihin yun ni Vixon.

Nakatingin na pala siya sa akin. Huminto ang tingin ko sa spada na hawak niya. Hindi ko maiwasang mapanlumo.

Napaka-hina ko.

"Turuan mo ako," napamaang naman siya sa sinabi ko, tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"I thought you don't like weapons?" Nagtatakang tanong niya, nagulat naman ako.

Naalala niya pa yun?

F L A S H B A C K

(Valarie, 7 years old)

"Anong ginagawa mo? Baka makatama ka!" Pagalit ko kay Vixon ng makita na parang may kung anong kutsilyo na mahaba siyang winawasiwas.

Nakaupo lang ako sa lapag at pinapanood siya habang kinokontrol yung water ball. Sinusubukan ko na kontrolin yun ng hindi nahihimatay.

"Kailangan ko mag-ensayo Val. Buti nga sinasamahan pa kita e," masungit na sabi niya kaya naman napalabi ako.

"Bakit mo ba kasi winawasiwas yan at bakit kailangan mo mag ensyo?" Nagtatakang tanong ko at napangiwi ng mabasa ako dahil natapon ko yung water ball.

Agad na lumapit sa akin si Vixon para i-absorb yung tubig. Ang galing niya nga e.

"Para lumakas ako, ayaw mo ba matuto?" Tanong niya at agad naman ako umiling.

"Ayaw ko makasakit," innosenteng sabi ko kaya naman natawa siya kaya napalabi ako. Lagi niya akong tinatawanan e wala namang nakakatawa.

"Pero minsan kailangan mo makasakit para protektahan ang mga importante sayo," pangaral niya sa akin kaya naman mas humaba ang nguso ko.

Minsan talaga ang lalim niya magsalita, parang si lolo minsan. Akala naman niya kung sino siyang mas matanda sa akin e magkaedad lang naman kami.

"Basta ayaw ko niyan, okay na ako sa mga spell," sabi ko naman at nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy sa pageensayo.

Not The Chosen OneWhere stories live. Discover now