Chapter 18

398 27 5
                                    

Valarie

"Couz saan ka galing? Di mo man lang ako sinabihan," nginitian ko na lang si Io at hindi sinagot ang tanong niya. Hindi ko maintindihan, bakit niya pinatay ang Light Knight na yun? At ganoon na lang ba talaga siya kalakas at nagawa niya yun?

Bakit siya nakatingin sa langit kanina? May pinapahiwatig ba siya?

"Couz, okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya, narinig ata yun ni kuya kasi nilapitan niya agad kami.

"Patapos na din naman, doon muna kayo sa silong baka naiinitan ka lang," sabi ni kuya kaya napatango na lang kami ni Io at naupo sa may ilalim ng puno. Malinis naman doon at ninamnam na lang namin ang preskong hangin.

"Hala couz! Ang gwapo naman noon!" Sabi ni Io at may tinuro na lalaki, naningkit naman ang mga mata ko, sino yun?

Agad ko naman siya nakilala ng kausapin nito si Aling Nena. Mukhang ka-edaran lang din naman namin siya.

"Teka kilala ko ata yun," sabi ko at agad naman napabaling sa akin si Io ng sabihin ko yun. Agad-agad siyang tumayo at pinagpagan ang pwetan niya bago ako hinila patayo at tumakbo palapit kila Aling Nena. Muntikan pa nga akong matapilok sa bilis ng takbo niya, hinihila niya pa din kasi ako.

"Oh, Valarie hija! Ito na pala si Ricky, Ricky na-aalala mo pa ba si Valarie? Kalaro mo siya noon, apo ng mga Nhinyae," pakilala sa akin ni Aling Nena. Tinitigan naman ako ni Ricky bago bumaling kay Io na agad akong siniko kaya naman napaubo ako.

"A-Ah si Violet nga pala, pinsan ko," pakilala ko dito at napatango naman sila. Ang awkward, close kasi kami ni Ricky dati pero sobrang tagal na noon.

"Oh siya maiwan ko na kayo," nakangiting sabi ni Aling Nena at umalis na, nnaig ang katahimikan sa aming tatlo.

"So...saan ka nagaaral Ricky?" Tanong ni Io, kahit kailan talaga ang palakaibigan ng isang ito. O baka dahil sadyang gwapo lang si Ricky. Grabe ang daming pinagbago niya.

"Sa Aqua Academy," sabi naman niya at nagliwanag naman ang mukha ni Io, kahit kailan talaga.

"Oh talaga?! Ako din! Anong year ka na?" Tanong naman nito.

"3rd," sabi nito at napatango-tango naman si Io, 2nd year kasi siya.

"Parehas pala kayo ni Arie!" Nakangiting sabi ni Io, napatingin naman si Ricky sa akin kaya nailang ako ng konti pero nginitian ko pa din ito.

"Ikaw?" Tanong niya sa akin at agad ko naman sinagot yun.

"Sa Heix Academy ako," sabi ko naman at napatango siya, hindi ko din alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko ang pagkadismaya sa mata niya.

"Akala ko sa Aqua Acad. ka magaaral, yun ang sabi mo sa akin noong bata pa lamang tayo," natigilan naman ako sa sinabi niya at inalala yun. Agad ko naman naalala.

"Hala...Ano kasi, napagdesisyonan nila mommy bigla na doon na din ako magaral dahil nga doon nagaral si kuya," explain ko at napatango naman ito.

"Arie! Io!" Tawag sa amin kaya naman napalingon kami ni Io at nakita sila kuya at Tita Amethyst.

"Hala kailangan na namin umalis ano, nice meeting you again Ricky. Ingat ka," nakangiting paalam ko.

"Bye bye Ricky! See you soon," sabi naman ni Io at umalis na kami.

Sumakay na kami sa carriage at bigla naman umulan ng malakas, nangunot ang mga noo nina kuya at Tita Amethyst. Nagkatinginan kami ni Io, parehong nagtataka.

"Anong ngyayari? Okay lang ba ang Weather Sec?" Hindi ko mapigilang itanong pero nanatiling seryoso ang mukha ni kuya bago may tinawagan.

"Hello, Kyllenlen..." Agad naman akong nagangat ng tingin ng marinig ang nickname na yun. Kausap ni kuya si Kyllen...

"Yiee," nagulat ako ng bigla akong sundutin sa tagiliran ni Io kaya naman napahiyaw ako.

"Ahh!" Napatingin naman sa akin si kuya at nangunot ang noo.

"Ano daw ngyari sayo pati kamusta ka daw," sabi ni kuya kaya agad akong namula, kinakamusta ako ni Kyllen...

"O-Okay lang naman," sabi ko, hala hindi pa pala ako nakapagpasalamat!

"Hala siya, namumula si Arie!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Io, napakaingay talaga nito. Natawa naman si Tita Amethyst kaya napalabi na lang ako.

"Pero seryoso na, okay lang ba talaga ang lahat?" Tanong ni kuya at nagkatiginan na naman kami ni Io. May ngyayari ba?

"Ano?! May namatay na Light Knight kanina?!!" Agad naman ako nanlamig ng marinig yun, ang bilis naman kumalat ng balita...

"Paanong hindi alam kung saan at paano?...Nawala lang bigla sa radar?!...Aish, seryoso?...Sige na sige na...Okay lang nga siya ano ba Kyllenlen kung worried ka talaga sa kapatid ko ikaw ang mangamusta sa kanya! Kapal mo naman at sa akin mo pa talaga kinakamusta...Bye na!" Binaba na ni kuya ang tawag at napatingin sa akin kaya naman nagtataka ko siyang tinignan.

"Bakit?" Tanong ko pero napabuntong-hininga lang siya.

"Ang habolin talaga natin ano?" Napanganga naman ako sa sinabi ni kuya at natawa naman sina tita. Hindi ko talaga alam kung saan nakukuha ni kuya ang lakas ng loob niya.

"Nako kuya! Yang si Arie kanina grabe! Mukhang crush siya noong Ricky kanina!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Io.

"Ano?!" Sabi naman ni kuya at sinamaan ako ng tingin.

"Hala! Ano ba Io," na sabi ko na lang pero tinawanan lang ako nito.

"Aba't ikaw Arie ha," pagbabanta ni kuya kaya naman sinimangutan ko siya.

"Ano?" Paghahamon ko pero sininghalan lang ako nito.

"Hayaan mo na Vriee, maganda ang kapatid mo at nagdadalaga. Wala tayong magagawa," sabi naman ni Tita kaya napalabi ako.

Pagkauwi namin ay agad na nagusap sila mommy. Regarding siguro sa napagusapan nila Kuya at Kyllen kanina.

Umupo na muna kami sa sofa ni Io at kumuha ng selfies. Hindi kasi kami masyadong nakapagbonding e. Sakto naman na lumabas sila mommy, mga seryoso ang mukha.

"We have to go, pack your things Arie," utos ni mommy at kahit na nabigla ako ay agad ko naman yun ginawa. Tinulungan na din ako ni Io para mapabilis.

"Ano ba yan, mamimiss kita," natawa naman ako sa sinabi ni Io.

"Bisita ka lang kasi sa bahay," sabi ko naman ng matapos na kami magimpake.

"Sabihan mo si mommy na payagan ako, baka lang daw kasi maabala kita. Mamimiss kita couz," sabi nito kaya natawa na naman ako agad ko naman siya niyakap.

Bumaba na kami at nagulat kami ng makita sina Kuya Elliot at Kyllen sa baba. Agad kong kinapa ang necklace ko, hindi ko na kasi ito hinuhubad pa at baka mawala ko.

"Oh ayan na yung hinahanap mo," sabi ni Kuya Elliot at napalingon naman sa gawi namin si Kyllen. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.

"Arie, since mid-tier ka pa lang i-escort ka ng dalawang yan. Sabihin mo agad sa akin pag may ginawa sila sayo," napanguso naman ako sa sinabi ni kuya, kahit kailan talaga.

Mukhang kailangan namin mag-teleport dahil masama talaga ang panahon. Hindi kasi madali mag-teleport pag malaki ang distance, kakailanganin ng malakas na magic energy para doon na tanging high-tiers lamang ang nakakagawa. Dahil nga pag nagt-teleport ay pede mo ma-share sa pamamagitan ng contact ay yun siguro ang dahilan bakit nandito sina Kuya Elliot at Kyllen.

Hinawakan na nilang dalawa ang magkabila kong kamay at agad naman akong namula.

"Hope you're not uncomfortable," bulong sa akin ni Kyllen kaya naman agad akong namula, ang lapit niya!

"H-Hindi naman," sabi ko at nagteleport na kami.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon