Motibo
Nagkakilanlan sa kalaunan
Buhat sa ating kapahunanNgiti mong may kahulugan
At tingin mo'y may kailalimanSandaling nakipagtitigan,
At nangusap ka nang biglaanBawat oras na magdaraan
Pagsinta mo agad aking kailanganHindi pa man tayo, batid kong may kalalagyan
Ating tinginan kaibigan, mauuwi na ba sa pag-iibigan?Isip ko man ika'y maging akin,
Bibigyan mo ba ito ng tunay na pagtingin?Kahit unti-unting nabobo sa torete mong ngalan
Adhika ko pa rin ika'y makasama magpakailanman.Tama ba itong nadarama?
O' ako'y naguguluhan lamang.***
YOU ARE READING
100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatili...