“Hindi na Pwede”
Hindi na maaaring ibalik ang lahat,
sapagkat natapos na sa salitang "salamat"
Hindi na kailangan pa,
dahil tanggap ko naman na.Hindi na muling luluha,
hindi na mag-iisip pa.
Hindi na, kaya ko na.
Sapagkat napagtanto kong lahat ay pansamantala.Hindi na kailangan mag-alala
dahil alam kong ika'y masaya na sa iba
Hindi mo na kailangan magparamdam pa,
dahil hindi ko kailangan ng pangangamusta mo,dating sinta.Hindi na, hindi na pwede.
Hindi na pwedeng masaktan pa.
Hindi na hahayaan na magpadala ulit,
dahil sanay na'ko sa sakit.Kaya ko na!
At salamat, nakaya ko nga!***
YOU ARE READING
100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatili...