Pag-amin
Natulala, isip ay iba-iba ang laman
Bakit ba ikaw ang laging nasa isipan?Bawat araw na magdaraanan,
Wangis mo aking nasisilayan.Napagtanto binuo lamang ng aking hiraya
At kasabay ng pusong ikaw lang aking adhika.Pagsinta mo'y isiniwalat,
Ako'y napaupo buhat sa pagkagulat.Ano nga ba ang totoo?
Gusto kita, 'yan ang punto ko.Dalawang salita na bumuhay sa akin
Tila musika sa tinig na kay sarap dingginTunay nga ba o huwad?
Para sa atin o amin, salita mo'y ilahad.MAHAL KITA, dalawang salita.
Ngunit makahulugan na ikaw lang ang nais kong pagsabihan, sinta.Ayoko ng umasa,
Baka kasi sa iba pala ang nadarama.Gusto ko ng seryoso
Sapagkat. palagi na lang ako ang talo
sa larong "tayo o kayo?"***
YOU ARE READING
100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatili...