Magulong Isip at Puso
Dumaan ang buwan,
pero nanatili ka pa rin sa'king isipan
Bumitiw ka na nga,
ngunit tila ako'y manhid at hindi pa rin nadadala.Hanggang kailan ba dapat ganito?
Ako'y masyadong marupok at oo ikaw talaga itong gusto.
Ayoko na sana dahil ako lagi ang dehado,
dahil sa pagmamahalan natin ako ang natalo at ikaw yung nanalo.Pilit kong winawaksi na tama na!
Sapagkat, ika'y may iba na.
Ayoko ng manatili sa'ting nakaraan
alam ko naman parte lang ako ng iyong kahapon at alaala na lang, p'wede ng kalimutan.Huli na 'to,
at sa pagpatak ng luha kasabay ng sakit dito-sa puso.
Aking tutuldukan aking huling pagsinta sayo.
Hindi na ako malilito at ipipilit ang sarili.
Ayoko ng mabigo!***
YOU ARE READING
100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatili...