Magsimula Tayong Muli
Mahal, maibabalik pa ba?
Maaari bang magsimula tayong muli?
Maari bang ayusin natin ang mga pagtatalo nating dalawa,
at ating ibalik ang sigla at ngiti sa'ting mga labi.
Magsimula tayo kung saan masaya tayong dalawa.
Ikaw at ako lang ang palaging laman ng istorya.
Ikaw at ako lang ang nagmamahalan.
Nais kong balikan ang simula natin, yung matamis at puro tuwa't saya ng ating nakaraan.
Bawat sandali ikaw at ako lang ang inaalala
at higit sa lahat komunikasyon ang gamit para magkaunawaan tayong dalawa.
Maaari pa ba?
Maibabalik pa ba?
Mahal, magsimula tayong muli ng tayong dalawa lang.***
ESTÁ A LER
100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatili...