Kabanata 1

76 0 0
                                    

Nang ika'y ibigin ko
Mundo ko'y biglang nag bago
Akala ko ika'y langit
Yun pala'y sakit ng ulo

-

Napabangon ako sa kama dahil sa ingay na naririnig ko.

'Bwisit! Ang aga naman mag video-oke ng kapitbahay ko!' Inis na nasabi ko nalang.

Tumingin ako sa wall clock ko

9:00 am

Maaga pa para mag ayos ako para pumasok, mamaya pang ala una ang klase ko.

Napag disisyunan nya na lang na mag basa ng nakaraang lesson, baka kasi may surprise quiz nanaman ang prof nila.

Kinuha niya muna ang bag bago nag tungo ng kusina, mag titimpla muna siya ng kape para pampagising sa diwa nya.

Kumuwa na sya ng tasa at nag tungo sa lamesa

Nag tataka ba kayo kung bakit mag isa lang ako dito?

Ulila na kase ako walang kinagisnang magulang, lumaki ako sa bahay ampunan. Pero nung mag college ako naisipan ko nang bumukod kila sister. Ako lang ang nag papakain at bumubuhay sa sarili ko. Pag awit ang pinag kakakitaan ko, mabuti nga at palagi akong may gig at malakas kumita ang restobar na pinapasukan ko.

Ako nga pala si Brianna Gomez, 18 years old at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Nursing ang kursong napili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero yun talaga ang pangarap ko simula bata pa lang ako. Scholar sa pinapasukang Unibersidad.

Nag simula na niyang buklatin ang kanyang libro.

Iinumin na sana niya ang kanyang kape ng mag ring ang kanyang cellphone.

KRINGGG...KRINGGG...

At dahil hindi niya inaasahan na may tatawag e, natapon ang kapeng iinumin niya sana.

'ARAYYYY!'

Malakas na hiyaw niya, nagulat kase siya sa pag tunog ng kanyang cellphone.

Ayan kase, kape ako ng kape. Nagiging magugulatin na tuloy ako.

Agad siyang tumakbo sa lababo at doon hinugasan ang brasong natapunan ng kape.

Patuloy pa rin sa pag tunog ang kanyang cellphone.

'Ayy! Ano ba yan! Sino ba kase yung tumatawag.'

Kinuha niya ang bag at doon ay kinuha ang kanyang cellphone.

Janna calling...

'Hayy! Si Janna pala!' Agad niyang sinagot ang tawag. Ano naman kaya ang problema ng babaeng to at na patawag?

"Hello babaita! Anong kaylangan mo?" Ayan agad ang sabi ko sa kanya.

"Grabe naman bhest! Bawal na ba ako tumawag sayo?" Kunwa ay nagtatampong sabi nito.

"Hindi naman, nagulat kase ako sa pag tunog ng cellphone ko e saktong umiinom ako ng kape kaya ayun natapunan ako. At tsaka nag rereview ako! Teka nga bakit ka ba na patawag? Ang aga pa ah!"

"Haha! Yan ang napapala mo sa kakakape! Nagiging magugulatin ka tuloy! At tsaka, nag rereview ka e wala naman tayong pasok ngayon! Bangag lang 'te? Puro kase pag aaral ang inaatupag mo e!" Sermon nito sakin.

"Ano?! Walang pasok ngayon! Bakit anong meron? Holiday ba? O may bagyo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Gaga! Linggo ngayon! Loka ka, yung totoo? Tumitingin ka ba sa kalendaryo 'te? Pati yung araw nakakalimutan mo? Siguro laman lang ng utak mo e yung body parts ng animals and human being."

Ngayo'y Naririto Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon