Kabanata 4

35 0 0
                                    

Bigla siyang natauhan ng tumunog ang cellphone nito. Agad naman niya ito itinulak at ubod ng lakas na sinampal ito.

"Walang hiya kang unggoy ka! Bakit mo ako hinalikan?! Napaka manyak mo!" Sigaw niya dito. Nilapitan niya ito at bigla na lang tinuhuran.

"Urgghhh! Bwisit kang babae ka! May araw ka din sakin! Pag sisisihan mo na nakabangga mo ako! Tandaan mo yan!" Galit na galit na sigaw nito.

"Hindi ako natatakot sayo unggoy!" Sigaw niya at agad na tumakbo. Mahirap na baka mahabol pa siya at baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya.

Mabuti na lang at may dumaan ng Jeep. Agad siyang sumakay doon. Naalala niya ang nangyari kanina lang.

Bakit sa dinami dami ng tao sa mayabang na 'yon pa napunta ang first kiss niya.

Mas lalo tuloy uminit ang ulo niya sa lalaking
iyon.

-----

Ngayo'y naririto
Ang isang katulad mo
Na sa akin ay magmamahal
Ng buong tapat
Nangakong akin lamang
Pag ibig na wagas
Angvm s'yang na ramdaman
Yan ay nag mumula sayo
Sa puso mo
Nangako na hindi magbabago

Nag sipalak pakan ang tao sa resto bar.

"Thank you po." Nakangiti nyang sabi sa mga ito. Bumaba na siya sa stage at dumiretso sa employee's room.

"Hello ate Gina!" Masiglang bati niya sa isa nyang kasamahan.

"Oh! Brianna, tapos na ang Gig mo?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Oo ate e. Maaga pa naman kaya tutulong muna ako sa pag seserve ngayon." Sabi niya dito.

"Tsk. Brianna dapat nag papahinga kana. Wag mong abusuhin 'yang katawan mo. Kita mo nag aaral kana nag tatrabaho ka pa. Baka kung mapano ka n'yan ah." Salubong ang kilay na sabi nito sa kanya.

"Naku ate! Ayos lang ako, tsaka pag hindi ako kumilos hindi ako mabubuhay. Alam mo naman po na nag iisa na lang ako sa buhay e. Tsaka mas malakas pa ata sa kalabaw 'to." Pag mamayabang niya dito.

Matanda kase sa kanya ng 3 taon si Gina, kaya itinuturing na niya na ate ito.

"Nag aalala lang naman ako sa kalusugan mo. Alam kong nurse ka pero pag nagkasakit ka hindi mo maalagaan ang sarili mo. Tulad nga ng sinabi mo, nag iisa ka lang." Nag aalalang sabi nito.

Napangiti naman siya, masaya siya at may ibang taong may pakealam sa kanya. "Salamat ate Gina ah!"

"Sus! Wala 'yon, basta pag may kaylangan ka 'wag kang mahiya na lumapit sa akin ah." Sabi nito sa kanya.

"Sige ate, labas na ako. Baka madami ng cutomer e!" Pag papaalam niya dito.

Pag kalabas niya ay agad naman siya pumunta sa bar counter.

"Josh! May umorder na ba?" Tanong niya sa kasamahan nyang bartender.

"Ay! Meron na, pahatid naman nito sa table #8." Inabot nito ang tray na may lamang drinks.

"Sige." Nakangiti niyang inabot ang tray.

Madaming tao ngayon kaya mahirap mahanap ang table na pag bibigyan niya nito. Mga ilang minuto ay nakita niya ang table. Medyo madilim sa gawi na iyon.

Lumapit na siya at inilapag ang order ng mga ito. "Good evening! Here's your orders, enjoy!" Masiglang bati nya sa mga ito.

"Oh! It's you again Ms. Amazona, tignan mo nga naman, tadhana talaga ang nag lalapit sa atin." Naningkit ang mga mata niya ng makilala kung kaninong boses 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ngayo'y Naririto Where stories live. Discover now