Kabanata 3

54 0 0
                                    

Kinabukasan ...

"Brianna! Hatid na kita sa room ninyo." Salubong agad sakin ni Joseph pag kapasok ko pa lang ng building namin.

"Nako Joseph 'wag na! May dadaanan pa ako sa clinic e, mauna kana." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Ganun ba? Sige papasok na ako." Malungkot na sabi nito bago umalis.

Napailing na lang siya, naawa na siya kay Joseph. Alam naman nito na wala siyang pag asa pero pursigido pa din. Siya ang nasasaktan para dito e. Bumuntong hininga na lang siya at nagpatuloy na lang sa pag lalakad pa tungo sa clinic nila. Ang clinic kase nila ay nasa Nursing building mismo may mga nag OOJT na kase na estudyante at ang iba ay doon na pupunta. Kumatok muna siya sa pinto bago tuluyang pumasok.

"Oh Brianna? Anong ginagawa mo dito? masama ba ang pakiramdam mo?" Nagtatakang tanong ni nurse Jemma sakin. Siya yung pinaka head nurse dito sa clinic namin. Sampu kase ang kwarto sa clinic na 'to at lima naman ang nurse na naka duty dito.

"Nako! Hindi po nurse Jemma, tatanong ko lang sana kung may naiwan akong libro dun sa kwartong ginamit ko kahapon." Nakangiting tanong ko.

"Teka tignan ko lang dito sa lost ang found corner." Nagpunta ito sa mga cabinet at binuksan ang isa don. "Nako Brianna wala ditong libro. Baka na dala nung lalaking nag hatid sayo dito kahapon, nakalimutan sigurong ibalik." Ani Nurse Jemma.

"Ah! Siguro nga po, sige Nurse Jemma alis na ako. Pasensya na po sa istorbo." Pag papaumanhin ko.

"Sus! Wala yun Brianna." Ngumiti ito sakin.

Ngitian ko lang siya at tuluyan ng lumabas ng clinic.

Mamaya tatanungin niya si Janna kung anong itsura nung nag buhat sakanya kahapon, baka nga nandoon ang libro niya.

Hindi niya kaklase ngayon ang kaybigan dahil naiba ang schedule nito.

Umakyat na siya sa floor kung saan nandon ang room niya ngayon. Nagkakagulo naman ang mga kaklase niya nung makapasok siya sa room.

"May mag shishift daw ah! Buti pinayagan pa, 3rd year na kaya tayo."

"Oo nga e, maimpluwensya yata kaya pinayagan."

Hindi na lang niya pinansin ang mga nag kakagulong kaklase niya. Agad siyang naupo sa pwesto niya at nilabas ang notebook, libro at ballpen.

"Bri! Libro agad ang kaharap mo diyan! Hindi mo man lang ako pinansin." Napalingon siya sa nag salita. Si Monique pala, ang campus princess nila.

"Hindi kasi kita na pansin e! Nakaharang kase yung mga asungot na mga lalaking 'yan!" Nakasimangot na sabi niya. Si Monique ay kaybigan niya din.

"Tsk! Kanina pa nga ako binubwisit ng mga yan e. Sarap ngang pag sasapakin." Nakangusong sabi nito habang lumalapit sakin.

"Hindi mo masisisi ang mga 'yan! Taray kase ng beauty mo e!" Nakingiting sabi ko dito.

"Alam mo naman na ayaw ko diba? Tsaka yung kalagayan ko! Napilitan nga lang akong sumali sa beauty contest na yan dahil kila ate at mommy." Nakangiwing sabi nito.

Napailing na lang ako. "Sayang ka Monique, ang ganda mo kaya."

"Tigil tigilan mo ako jan Bri ah!" Naiinis na sabi nito.

Hindi na ako nag salita pa, itinuon na lang niya ulit ang atensyon sa pag babasa.

"Good Morning class!" Masiglang bati ni Ms. Mendoza. Agad naman nag sipagtahimik ang mga kaklase niya.

Ngayo'y Naririto Where stories live. Discover now