Kabanata 2

56 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nangyari ang pag basag ko sa salamin ng mamahaling kotse na 'yon. Sa awa naman ng diyos wala pang kumakatok sa pinto at sasabihing "You are under arrest" o di kaya wala pang humihila sakanya sa van at paghihiwalay hiwalayin ang katawan niya. Kaya tuloy pag may nakikita siyang pulis ay agad siyang nag tatago, baka kase siya na ang hinahanap ng mga ito.



"Manong, wala na po bang ibibilis ang taxi ninyo? Malelate na po talaga ako e." Pangungulit ko sa driver ng taxi. Tinanghali na kase siya ng gising dahil ala una na ng madaling araw siyang nakauwi sa bahay, may Gig kase siya kagabi at nagkataong madaming tao kaya tumulong na din siya sa pag serve.



"Nako ineng, wala na. Mahuhuli na ako pag binilisan ko pa." Sagot ni manong driver.



Napabuntong hininga na lang siya. Tiningnan niya ang kanyang wrist watch at agad napasimangot. '9:45 na late na ako sa first class ko' kung alam niya lang na malelate din siya dapat nag jeep na lang siya at hindi na nag taxi. Napalaki tuloy ang kanyang gastos.



"Handito na tayo ineng, pasensya na at na late ka tuloy sa klase mo. Ayoko lang kase mahuli." Paliwanag ni manong.

Nginitian ko naman siya.

"Nako manong okay lang po, heto na po yung bayad ko." Inabot ko sa kanya ang buong isang daan.

"Nako ineng wala akong barya para dito." Nagkakamot sa ulo na sabi ni manong.

"Okay lang po manong, sayo na lang po yung sukli. Sige po alis na ako." Paalam ko sa driver at bumaba na ng taxi.

"Salamat ineng! Kaawaan ka sana ng diyos." Narinig niyang sabi ng driver bago tuluyang makalabas ng taxi.

Nagmamadaling siyang pumasok sa gate ng kanilang University.

'Hayy! No choice, 2nd subject na lang siya papasok, manghihiram na lang siya ng notes kay Janna.'

Tinungo na lang niya ang kanyang paboritong painag tatambayan. Sa may soccer field ng kanilang Unibersidad, umupo siya sa lilim ng malaking puno at doon ay naupo. Nag umpisa na niyang buklatin ang kanyang libro, mag aaral na muna siya. Mamaya pa namang ala una ang susunod niyang klase.

At dahil siguro sa puyat, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

.

.

.

.

.

Nagising siya dahil may naramdaman siyang parang may matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo.

'Aray naman ano ba yun?' Hinimimas ang ulong sabi niya. Hinanap niya yung bagay na tumama sa kanyang ulo.

Kumunot ang noo nya sa nakita, soccer ball? Ang layo naman ng narating ng bola na 'to. Nakita niyang may kamay na kumuha sa bola. Sinundan niya naman ng tingin ang may ari ng kamay.

Medyo nahihilo na siya at nanlalabo na ang paningin.

"Well! Tingnan mo nga naman ang pag kakataon, nag kita ulit tayo! Narinig niyang sabi nung may ari nung kamay.

Bago pa niya makita ang mukha nung may ari nung bola, bigla na lang nag dilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.

---

Janna's POV

"Okay class dismiss!" Sabi ng prof namin at agad na lumabas.

Ngayo'y Naririto Where stories live. Discover now