Chapter 4: Avoiding Her

2.6K 69 4
                                    

(A/N: SPG alert)

Jocille's POV

Kalalabas ko lang ng kwarto nang makita ko si Tatay na papasok na sa bahay mula sa pamamasada ng taxi.

"Tay, buti naman maaga kayo ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tay, buti naman maaga kayo ngayon. Ininom niyo ba ang gamot niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sino ba naman ang hindi iinom eh kada minuto mo akong tinatawagan." Sagot naman niya sa akin.

"Para sa inyo rin naman yan Tay, Alam niyo naman na ayaw ko lang na mag collapse kayo ulit. Sabi ko naman kasi eh huwag ka na mamasa-

"Okay, okay tama na ha? Mas tatay ka pa sa akin eh mas ako pa sinesermonan mo." Ngiting sabi niya.

"Ayaw ko lang na mawala rin kayo sa akin. Kung wag na lang kaya kayong mamasada Tay? Malaki naman sinusweldo ko sa pagpapart time ko." Niyakap ko naman siya pagkasabi ko non.

"Anak, para sa pag-aaral mo yon. Gusto ko naman na matapos mo na ngayong taon ang kurso mo."

Isa kasi akong Filipino major. At dahil mahirap lang naman kami, tumitigil ako kada isang taon para magtrabaho. Like this year mag-aaral ako, next year titigil muna. Kaya medyo matagal-tagal na rin akong nag-aaral, pero kinakaya ko para kay Tatay. Dalawa nalang kasi kami sa buhay namatay ang Nanay ko pagkapanganak sa akin. Kaya lahat ginagawa ko para sa Tatay ko.

"Huwag kang mag-alala anak, kagabi may pasahero akong mukhang mayaman alam mo ba dapat 98.00 lang babayaran niya pero binigyan ako ng isang libo tapos hindi hiningi ang sukli kaya hindi ako mamamasada bukas." Ngiting sabi niya sa akin.

"Talaga Tay? Mabuti naman po kung ganon. Sana maging pasahero mo siya ulit." Sabi ko

"Sana nga anak-

Hindi na natuloy ni Tatay ang sasabihin nang biglang may nagdoorbell.

"May bisita po ba kayo Tay?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman akong inaasahang bisita ngayon, bukas pa dalaw ng Tiyo Jaime mo eh. Tignan mo nalang anak baka napaaga siya ng dating." Sagot ni Tatay.

Tumango ako at agad nagpunta sa gate namin. Kung ako, wala rin akong inaasahan na bisita bukod kasi kay Joan ay wala na naman akong ibang kaibigan. Wala rin siya dito sa Pilipinas.

"Sino kaya ito." Pero nagulat ako ng makita ang hindi inaasahang bisita.

"Magandang gabi Jocille." Nakangiting bati sa akin ni Michael.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now