Chapter 27: Goodbye, Jocille.

1.9K 35 12
                                    

Jocille's POV

Nagtaka ako nang makita na nawala ang ngiti ni Michael habang papalapit sa kinauupuan ko. Mas nagulat ako nang mabitawan niya ang kapeng bitbit niya.

"Michael ayos ka lang?" Agad kong tanong pagkalapit sa kanya.

"J-Jocille, si R-Raven" Bulong niya

"Bakit? Anong meron kay Raven?" Kinakabahan kong tanong.

Ang nasa isip ko ay baka naaksidente siya habang papunta sa airport o nag crash ang sinasakyan niyang airplane. Pero sana ganon na lang ang nangyari, baka hindi pa maging ganon ka sakit ang sinagot ni Michael sa tanong ko.

"S-siya ang donor ni Mac" Parang bombang sumabog ang sinabing iyon ni Michael.

"A-anong sinasabi mo?" Nanlalamig na ang buong katawan ko.

"Siya ang nagdonate ng puso kay Mac" Umiiyak na sabi ni Michael.

"H-hindi, baka nagkakamali ka lang. N-nagpaalam sa akin si Raven kanina sabi niya pupunta siya sa South Korea sa favorite place in the world-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nag flashback na alaala sa buhay ko.

Flashback

"Bakit ba mas madami ka pang part time na kinukuha kesa sa akin?" Tanong ni Raven sa akin- Hindi pa siya artista ng mga panahong iyon.

"Alam mo naman na mag-eenrol na ako next sem kaya dapat lang makapag-ipon ako." Sagot ko sa kanya.
"Ang sipag talaga." Nakangiting papuri niya sa akin.

"Eh ikaw ba? Nakaipon kana ba para sa favorite place on earth mo?" Tanong ko sa kanya. Nag-iipon kasi siya para pumunta sa South Korea dahil gusto niyang makita sa personal ang Itaewon city.

"Malapit na rin akong makaipon. Ikaw ba? Wala ka bang favorite place na gusto mong puntahan?" Tanong niya

"Wala. Hindi ko rin naman afford."

"Sabagay, Hayaan mo pag yumaman ako ililibre kita." Ngiting sabi niya.

"Sabi mo yan ha! Pero huwag naman sa South Korea, London ang gusto kong puntahan eh." Pagrereklamo ko pa.

Napatawa naman siya.

"Oo ba, actually hindi naman ang South Korea ang favorite place ko talaga."

"Ano?" Nakakunot pa ang noong tanong ko.

"Siyempre ang langit! Everyone's favorite place kaya yan kasi doon nakatira ang gusto kong mameet talaga at pasalamatan dahil nagpapako siya sa krus para sa mga kasalanan ko kahit hindi ko naman deserve yon." Sagot niya.

"Wow! Kailan ka pa naging makadiyos?" Pang-aasar ko pa.

"Makadiyos ako hindi lang halata." Natatawang sagot niya.

End of flashback

"H-hindi, hindi totoo-

Napalingon kami sa Doctor na kakalabas lang ng operating room ni Tatay Mario.

"Successful ang operation ni Tatay Mario, nilipat na siya sa ICU aantayin nalang natin na magising siya bago ilipat sa kwarto." Sabi ng Doctor.

Pero di ko magawang maging masaya sa sinabi niya.

"D-Doc, nasaan na ang donor ng Tatay ko?" Maluha-luhang tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko ay ipapacremate ang katawan niya. Bibigyang pugay din siya ng ospital sa kabayanihang ginawa niya paglabas niya mamaya sa operating room" Sagot ng Doctor.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now