Chapter 22: A night of mistake

1.7K 37 2
                                    

Mac Romer's POV

Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating.

Nang makakita ako ng ilog ay tinigil ko muna ang sasakyan don.

Kinuha ko ang dala kong beer na binili ko kanina sa nadaanan kong convenience store at uminom ng uminom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinuha ko ang dala kong beer na binili ko kanina sa nadaanan kong convenience store at uminom ng uminom.

Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang mga kapatid ko na kinutya ko ng paulit-ulit dahil sa pagiging bastardo nila.

Flashback

"Anong sinasabi mo na mga anak mo sila?!" Narinig kong galit na sabi ni Mama nang ipakilala ni Papa ang dalawang mas bata sa akin ng ilang taon.

"Anak ko si Jacinth Jude kay Jacinta yung dinala ko dito, nakita mo naman yon diba? Si Don Cezar naman ay anak ko kay Donalyn." Tila walang pakialam ang Papa sa galit na nararamdaman ng Mama.

"Sabi ko sayo, tatanggapin ko ang mga babae mo pero ibang usapan kapag nagkaroon ka ng anak sa kanila!"

"Ayaw mo silang tanggapin? Mabuti. Aalis na ako sa bahay nato at maghiwalay na tayo." Akmang aalis na ang Papa

"Kapag umalis ka, magpapakamatay ako!" Sigaw ng Mama

Pero nagpatuloy sa pag-alis si Papa dala ang dalawang bastardo niya.

Napakuyom naman ako sa mga kamay ko. Kung sana pinakinggan lang ni Papa si Mama at hindi siya umalis ng bahay ay hindi siguro ito magpapakamatay.

Mas lalong nagalit ako sa dalawa kong kapatid ng pagkatapos nga ng libing ay inuwi sila ng Papa.

"Siya si Mac Romer ang kuya ninyo." Pagpapakilala sa akin ni Papa kinaumagahan habang nag-aagahan.

"Masaya akong makilala ka Kuya." Ngiting sabi ni Jacinth Jude sa akin pero hindi ako sumagot.

"Mac Romer! Kinakausap ka ng kapatid mo huwag kang bastos!" Galit na sabi ng Papa.

Tinignan ko lang siya ng masama bago sila iniwan sa hapag-kainan.

Ilang beses kong pinamukha sa kanila ang pagiging anak sa labas nila. Pero ganon din pala ako- Bastardo rin pala ako.

End of Flashback

Natigilan ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan nang mag-ring ang phone ko- Si Jocille.

Naalala ko na naman ang ginawa niya. Hindi ako sumagot at ini-off ang phone ko.

Nang maubos ko ang beer ko at nakulangan pa ako ay nagpunta ako sa Bar, doon nilunod ko ang sarili ko sa alak. Hanggang sa di ko na matandaan kung ano ang mga sumunod na nangyari.

Joy's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nakita ni Mac sa asawa niya at di niya makitang nakikipaglandian ito kay Raven Lee. Pinagtanggol pa niya sa harap ng publiko. Napakatanga niya talaga.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now