Chapter 5: The Two Aces

2.5K 78 4
                                    

Jocille's POV

Nasa taxi na ako nang mapansin ko na wala ang phone ko. Naalala ko na naiwan ko yon sa upuan kanina.

"Manong, balik po tayo sa Chua Building please." Sabi ko sa driver

"Okay Maam."

Agad akong bumaba sa taxi pagkabalik namin. Nakita ko naman na bukas pa ang opisina.

Nandito pa siguro si Michael.

"Michael, naiwan ko ang-

Pero nagulat ako ng makita si Mac Romer. Ang lalaking sobrang minahal ko noon- na laman pa rin ng puso ko hanggang ngayon.

 Ang lalaking sobrang minahal ko noon- na laman pa rin ng puso ko hanggang ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-ahh, Iwan ko muna kayo-

"Huwag na Michael. Kukunin ko lang yung phone ko. Naiwan ko." Sabi ko at agad kinuha ang phone ko at nagmamadaling umalis.

Papasok na ako ng elevator nang may humila sa braso ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Seryoso ang mukha na tanong ni Mac sa akin

"Anong ginagawa mo rito?" Seryoso ang mukha na tanong ni Mac sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mag aapply ako." Tipid na sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Hindi na kailangan, hindi ikaw ang hinahanap ko." Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran.

"Hindi ko to ginagawa para sayo. Ginagawa ko to dahil kailangan ko ng pera." Tumigil naman siya sa paglalakad.

May kinuha siya sa pitaka niya at iniabot yon sa akin.

"May lamang 20 million yan. Compensation sa pagpunta mo-

"Hindi ako tumatanggap ng pera kung di ko naman pinagtrabahuan." Putol ko sa sasabihin niya pa.

Ngumiti naman siya. Ngiting namiss ko ng sobra, kahit napakasarcastic lang ng ngiti niya.

"Pwede ba wag ka ng magpanggap o ano dahil dalawa lang naman tayo dito. Kaya ka nga umalis ng walang paalam noon diba dahil binayaran ka!" Galit na sigaw niya.

Sinampal ko naman siya.

"Ano man ang rason kung bakit kita iniwan noon hindi kasali yon kung bakit ko ito ginagawa ngayon. Pero kung ayaw mo talaga, hindi mo ako kailangan na insultuhin. Aalis ako ng kusa." Pagkasabi ko noon ay agad akong pumasok sa kabubukas lang na elevator.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now