Chapter 3

68 20 4
                                    

Chapter 3: Ace

I was just staring blankly at the girl who's busy dragging me around.

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Bakit ganun kadali sakaniya ang makipagkaibigan? Ngayon palang naman kami nagkita at nagkakilala pero ipinahayag niya na agad na magkaibigan na kami.

What a weird girl.

But, wait? Bakit ko pa ba kasi iniisip ang bagay na yan?

As if naman na i-coconsider ko talaga siya as my friend. Tsk.

Ang dami nga sa'king nangungulit nun na 'di umubra, siya pa kaya?

No way.

I didn't mind what she said a while ago.

I just sighed as I looked at her face.

Para siyang tanga ngayon dahil ang laki parin ng ngiti niya na halatang tuwang-tuwa dahil sa kung ano man ang iniisip niya.

Haist. Ba't kasi kasama ko 'to?

Nasa labas palang kami ng room pero rinig na rinig na agad namin ang sobrang ingay sa loob.

Wala pa bang prof.?

Anong oras na ah?

"Ano kayang nangyayari diyan sa loob? Bakit ang iingay nila?" takang tanong nitong katabi ko.

Hindi ko man lang siya kinibo, nauna na akong naglakad sakaniya papasok.

Nasa pintuan pa lang ako pero magulong classroom na agad ang bumungad sa akin. Puro tumbang upuan, nagkalat na mga bag, punit punit na mga libro at higit sa lahat nagkukumpulan at nagbubulong-bulungang mga kaklase sa gilid ang naabutan ko.

"Oh my Gosh! Kahit kailan talaga yan si kuya, oo." Napahilot si Rein ng kaniyang sintido sa nakita.

Eh pa'no ba naman kasi e' yung kuya niya ang may gawa ng gulong 'to.

Tsk.

May dalawang babae na nakaluhod sa gitna habang nagmamakaawa sa galit na galit na si Bingwit. Ang mga alagad naman niya ay tuwang tuwa habang nanonood lang.

What a scene.

Sumandal ako sa hamba ng pinto at prenteng nakinood sa dramang nagaganap ngayon. Pshh.

"Who do you fuckin' think you are to hurt my sister, huh?" Nanlilisik na tingin ang ipinukol ni Hook sa dalawang babae, na namukhaan kong siya ring nang-away kanina kay Rein.

"Sorry Hook, di na mauulit." humihikbing turan nung babaeng nanabunot kay Rein.

"Really?" Malamig at sarkastikong wika nito.

Halos mapasinghap kaming lahat dahil sa tono ng boses niya. Nakakakilabot, shit!

"I don't want to see your shitty face ever again! Pack your things and Get out on my fuckin' school, now!" Ma-otoridad niyang singhal.

Natahimik ang lahat ng nasa loob.

Wala nang ibang nagawa ang dalawang babae kundi ang dali- daling umalis habang umiiyak.

I pity them.

Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang biglang lumingon sa kinatatayuan ko si Hook-- I mean Bingwit.

Parang tumigil ang oras nang magtama ang mga mata namin.

Ba't niya ba akong tinitingnan?

I steady my stoic face.

Hooking Trouble: Deciphering ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon