Chapter 10

34 12 2
                                    

Chapter 10: Worried

"Fuck this! Shit! Damn it!" halos sambitin na ni Hook ang lahat ng murang alam niya nang makitang napa-upo na ako sa sahig.

Narinig ko rin na tila nagpa-panic na siya at 'di alam ang gagawin dahil sa nangyayari sa akin.

Nanginginig niya akong dinaluhan paupo.

Nahihirapan parin akong huminga kaya butil-butil na ng malalamig na pawis ang namumuo sa aking noo.

"What the fucking hell is happening to you?! Tell me!" Mariin ngunit nag-aalalang tanong nito sa akin.

Nag-aalala?

Nahihirapan akong nagsumiksik at kumapit sakaniya kaya naman naramdaman kong agad niya akong niyakap.

Mariin akong napapikit.

Halos mag-unahan na sa pagtulo ang aking mga luha kaya mas lalo lang siyang natataranta.

Hindi lang dahil sa nahihirapan akong huminga kaya ako umiiyak, dahil na rin ito sa takot.

Takot na takot ako.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong 'di ko maipaliwanag na takot sa dibdib ko.

Siguro dahil ito sa nangyari sa akin noong bata pa ako.

Fuck! I don't want to remember it! Damn!

Mas lalo akong napahagulhol dahil sa naalala kong pangyayari noong bata pa lamang ako.

Nooo!

"Hush! Damn it! Don't cry I'm here. Hushh!"

Pilit akong pinapatahan ni Hook pero 'di parin ako tumitigil sa pag-iyak. Dahil dito ay lalo lang din akong nahihirapan sa paghinga.

Naramdaman kong marahan niyang pinapahiran ang mga luha na patuloy sa pagdaloy sa pisngi ko. Ramdam ko rin ang higpit ng kaniyang pagyakap sa akin habang pinapakalma ako.

"Hush, now. I'm here, I'm here."

Nang marinig ko iyon ay mas lalo lang akong napahagulhol ng iyak.

Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi noong kailangang kailangan ko ng tulong?

Shit! Fuck!

Noo!

"No! No! Don't put me there! Please, no!" Nawawala sa sariling sigaw ko.

Puro nakakatakot na imahe ang lumalabas sa utak ko na nangyari sa akin noon.

No! Fuck!

Naramdaman kong may mahigpit na yumakap sa akin kaya halos walang tigil na nagpumiglas ako.

"No! Stop! It hurts! Please stop!"

Hindi ko na alam ang nangyayari basta ang alam ko lang ay parang napunta nanaman ako sa araw na yun.

Sa araw na kinatatakutan ko.

Sigaw lang ako ng sigaw dahil sa aking mga naaalala.

Napahawak ako sa lalamunan ko dahil ramdam na ramdam kong kinakapos na ako ng aking hininga.

Tila naestatwa nalamang ako sa kinasasadlakan ko ng maramdaman ko ang isang malambot na bagay na lumapat sa labi ko.

Ilang segundo iyong nagtagal bago ko naramdaman ang pagbibigay niya sa akin ng hangin ngunit hindi rin iyon naging sapat para makahinga ako ng maayos.

Nararamdaman ko na tila kinakain na ako ng dilim.

Ngunit bago ako tuluyang nawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang boses ni Hook na panay ang mura at tawag sa pangalan ko.

Hooking Trouble: Deciphering ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon