Chapter 27

19 4 0
                                    

Chapter 27: It's she or not?

Pagkatapos ng tagpo naming iyon ni Hook ay hindi na siya nagpakita sa akin. Tsk.

Nagtanong ako kay Rein kung bakit hindi na napapadpad dito sa ospital ang kuya niya pero wala akong nakukuhang matinong sagot sakaniya, ang palaging bukang bibig niya ay busy at may inaasikaso daw ang kaniyang kuya, pero dumadalaw rin naman daw ito at 'di ko lang naaabutan dahil tulog na raw ako sa tuwing dadating iyon.

Kung alam niya lang, 'di talaga iyon busy. Paniguradong nahihiya lang iyon sa ginawa ko sa kaniya at hindi kinaya ng ego niya. Pffft.

Sample pa nga lang iyon at hindi pa ako naguumpisa sa pang-aakit ko sakaniya pero ganun na ang epekto sakaniya? Tsk. Tsk. Tsk. Dapat mag-ready na siya for the worst.

I smirked.

Ihanda niya na ang puso niya dahil mapapasa akin rin iyon.

Nanatili pa ako ng ilang araw sa hospital bago nila ako pinayagang maka-uwi. Ilang araw rin akong naburyo sa bahay dahil hindi ako pinapayagan nila mommy na magagalaw-galaw at pumasok ng school dahil daw sa kalagayan ko. Kahit anong kulit ko sa kanila at kahit anong sabi kong ayos na ako, na mas malakas pa ako sa kalabaw at kaya ko nang gumalaw ay 'di parin talaga sila pumapayag.

Sa loob ng isang linggo ay wala akong ginawa kundi ang tumunganga sa kwarto at mag-isip-isip. Pshh!

My life sucks!

Palagi rin akong dinadaanan ni Rein pagkatapos niya sa school para kamustahin daw ako, maging si Ace rin or should I say Alas ay makailang beses na rin akong dinadalaw na ikinalulugod ko naman.

Tuwang-tuwa talaga ako nang malaman kong si Ace at si Alas ay iisa, kaya pala magaan ang loob ko sa kaniya at parang pamilyar siya sa akin.

My best friend is back! Alas is back

Malaki rin ang pasasalamat ko sa diyos na walang nangyaring masama sakaniya at nakatakas rin siya sa sindikatong tinatakasan namin noon. Halos mawalan narin ako ng pag-asa nung una dahil nakita ko kung paano siya mabaril noon.

Halos gabi-gabi ay hindi ako nakakatulog sa tuwing naaalala ko ang nangyaring iyon. Minsan ay sinisisi ko rin ang sarili ko dahil dapat ay pareho kaming nakatakas at hindi lang ako. Baka kung ano na ang nangyari sakaniya.

Ang daming mga negatibong bagay ang pumapasok sa isip ko noong mga panahong iyon.

Paano kung malala yung naging tama niya noon?

Paano kung nahuli ulit siya ng mga tinatakasan naming sindikato?

Nakatakas kaya siya or even kung wala na siya?

Sa bawat araw na lumipas ay iyan ang palaging tanong sa isip ko patungkol sa kaniya. Pero nung aminin niya sa aking siya si Alas na kaibigan ko at ang matagal ko ng hinahanap ay parang nawala ang malaking tinik na nakabaon sa loob-loob ko.

Pero kasabay ng kasiyahan ay mayroon pa ding pangamba. Madami rin akong katanungan sa kaniya, kung bakit ngayon niya lang sinabi? Kung kailan may nangyaring masama sa akin.

At bakit ang mga taong nasa nakaraan namin ay bigla nanamang nagpapakita?

Bakit ngayon pa na maayos na ang buhay namin? Ano nanamang gagawin nila?

Sisirain nanaman ba nila ang dati nang sira naming buhay?

Ano nanaman ba ang kailangan nila?

Halo-halong emosyon ngayon ang nararamdaman ko, di ko maipaliwanag pero isiniwalang bahala ko na muna ang mga gumugulo sa isip ko.

Hooking Trouble: Deciphering ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon