GNL 10

477 36 0
                                    

Maya maya tumawag si anjie
"Oh bakit?" Bungad ko sa telepono.
"Ahmm yayain mo narin so Rex"
Agad nyang sabi
"Ah oo nasabi kona"
"Ok.." Maikling
sabi nya lang sabay baba ng phone.
"Anyare don?" Tanong ko sa sarili ko.

Kinaumagahan
Paalis na kami

Ako
Si anjie
Si ellen
Si jake
Si Rex
At si Anna..
Ay si merry papala hehe..
Nakasakay na kami sa bus.
Mga ilang oras din kami nagbyahe..
Sa totoo lang ang sakit sa pwet!
Hayss.
Di bali mag eenjoy naman siguro ako hihihi
Diko namalayan na nakarating na pala kami.
Kasi nakatulog ako.
"Alex...alex!"
Gising sakin ni Rex.

Pag mulat ko nakasandal pala ako sa balikat nya
At tumingin ako kanila ellen nakita ko si anjie..
Parang ang sama ng tingin nya sakin.
Hehe ewan baka masama gising
Binuhat ni Rex ang bag ko.

Naglakad pa kami bago kami makaabot sa bahay ng lola nya pagdating namin
Nagulat ako kasi ang ganda ng bahay ng lola ni anjie!
Mukhang luma na sya pero ang ganda ng design ah??
Hehe..
Kaya parang naexcite akong pumasok..hehe.

Sinalubong kami ng lola nya..
Parang ang lakas-lakas pa ng lola nya kahit may tungkod na ito.

"Hello po lola"
Bati ni anjie sabay halik sa lola nya
"Ohh..akala ko sa linggo pa kayo pupunta rito?"
Tanong ng lola nya.
"Ah hehe..naexcite po kasi kami lola"sagot nito at bumaling sa amin
"Ah lola mga kaibigan ko nga po pala"
Pagpapakilala sa amin ni anjie at ipinakilala kami isa-isa.
At noong ako na ang pinapakilala ni anjie napatitig sa'kin 'yung lola nya at tiningnan ako ng diretso sa mata!
Diko alam kung bakit pero parang kinabahan ako bigla doon.
Ang talim ng tingin nito at bigla syang nagsalita.
Kinakabahan ako sa sasabihin nya..
"ang ganda mo iha ah??"
Sabi nito sa akin, nakahinga ako roon ng maluwag!
'Hayss akala ko pa naman kung anong sasabihin nya'
Yun lang pala!
"Ah hehehe hindi naman po pero salamat po lola"
Sagot ko at ngumiti pumasok na kami sa loob at sobrang nagulat talaga kami!
"Wow ang ganda!"

nabigla ako ng may makita akong isang aquarium na malaki!
Ang lalaki ng mga isda
Lumapit ako doon at pinagmasdan sila at nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.
"Wahh!"
Sigaw ko at malakas na tawa ni Rex ang narinig ko!
"Hahahaha..
Gulat ka?"
Tanong ni Rex na tawang-tawa!

Badtrip to

Nakakainis talaga 'tong mokong nato ehh!! Kaya ayaw kong isama hayss...

Mga 7 na ng gabi..
May kanya kanya kaming room.
Ay este magkwarto pala kami ni ellen.
Si anjie,anna at merry naman
Si Rex at si jake naman ang magkakwarto
Nasa kwarto ako at nag aayos ng mga gamit ko.
Pagkatapos kong nag ayos ay naisipan kong magsuklay ng buhok dahil mula kaninang umaga hindi na ako nakapagsuklay pa!
Nagsuklay ako habang nananalamin habang nakatingin ako sa salamin
Parang may dumaan sa likod ko!
Pero noong lumingon ako wala naman
Baka imagination ko lang 'yun kaya hindi ko nalang pinansin
Ng biglang may kumatok kaya kinabahan ako at binuksan nya yon!
Pagtingin ko
Si anjie lang pala hayss akala ko naman kung sino na!
"Alex.."
Tawag nya sakin.
"Bakit anj??"
Tanong ko rito
"Kayo ba ni Rex??"
Tanong nya at iba ang pagkakatimpla ng mukha niya.
"Huh?? Ah hahaha
Hindi... Nanliligaw palang sya,bakit?"
Sagot ko na parang kinikilig pa ay correction! hindi pala parang! kinikilig talaga ako hehehe...inggit kayo?? Charot!

Patango-tango lang ito sabay sagot.
"Ahh..wala lang ang sweet nyo kasi ehh"
Sagot nitong nakangiti ngunit pakiramdam ko,iba
"Ahh hehe ganon talaga 'yun si Rex mula kasi pagkabata namin..magkaibigan na kami"
Dagdag na sabi ko rito at hindi ko alam kung paranoid lang ako kasi alam kong pilit lang ito kung ngumiti!
"Ahh hehehe lika nanga Kain na tayo"
Yaya na nito sa akin.

Gabi Ng Lagim Where stories live. Discover now