14

74 7 0
                                    

"magpahinga ka muna" sabi sa akin ni Rex, pagod ko lang siguro to Kaya Kung ano-ano nangyayari sakin.

Pumasok ako sa kwarto at nahiga pagpikit at pagpikit palang ng mga mata ko ay may kumatok sa pinto ng  napakalakas nagulat ako at bilang napatayo at naglakad ako papunta sa may pinto at binuksan 'yon nagtataka ako dahil wala namang tao.

'pinatulog ako tapos ini-istorbo naman ako'

Agad kong sinara ang pinto at bumalik sa pagkakahiga.

Mga ilang minuto lang ay bigla akong nakapabangon sa lakas ng pagkaka-katok sa pinto na para bang masisira na iyon, nakaramdam ako ng inis ngunit ng napabaling ako sa orasan ay..

*A-alas 5?!!, Alas 5 na ng hapon?!!*

Hindi makapaniwalang tanong ko sa isip ko.
Dahil halos kakapikit ko lang at Hindi pa ako nakakatulog!

Sumilip ako sa may bintana at medyo madilim na nga,nakita ko silang lahat na nakaupo sa damuhan, mukhang naglalaro ang mga ito.
Napaatras ako bigla at kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil biglang ibinaling ni anjie ang paningin sakin at kitang-kita ko Kung gaano kasama ang mga titig na iyon.
Napalunok ako ng sunod-sunod at agad na tumalikod, naglakad ako tungo sa pinto at halos lumabas ang puso ko sa gulat at kaba ng bumungad sakin ang mukha ni anjie.

"Mukha ba akong multo?" Inosenteng tanong nito, ayaw kong ipahalata na nagulat ako.
Kaya agad akong tumawa ng pilit.

"Ha-ha-ha-ha Hindi ah! HahahHhahahaah" sagot ko at nilampasan sya.

"Alam mo 'yong totoo diba?" Walang ano-anong tanong nito. Nagtaka ako kung ano ang tinutukoy niya.

"Anong totoo?" Tanong ko rito habang nakatalikod sa kaniya.

"Alam mong Hindi ako si anjie" walang prenong sambit niya kaya natigilan ako.

"Wala akong alam sa sinasabi mo" sambit ko at maglalakad na sana ng nagsalita ulit ito.

"Ganyan ka ba talaga ka-inosente Alex?" Medyo garalgal na tinig nito.

"Ano ba pinagsasasabi mo anjie?" Tanong ko rito at lumingon sa kaniya.
Luhaan na ang mga pisngi nito.
"B-bakit mo sya hinayaan?" Umiiyak na sambit niya.
"B-bakit mo hinayaan iyong kambal ko Alex!..k-kaibigan ka niya d-diba? Diba?!!" Medyo pagalit na usal niya.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya!

"Huh?, Ano bang sinasabi mo? Hindi Kita naintindihan anjie!" Medyo pagalit na sambit ko.

"Kasalanan mo Alex, kasalanan mo Kung bakit namatay ang kambal ko!" Humihikbing usal niya.
Napapakunot noo ako at nag iisip!
Ano bang nagawa kong mali?!! Ano ba?!!!
Hindi ko Alam!!!

Nagulat ako ng unti-unti itong lumalapit sa akin,
Medyo masama na ang tingin Kaya naglakad ako patalikod .

"A-anjie, a-ano bang problema?" Kabadong tanong ko rito at deretso lang ang tulo ng luha niya.

"Ang sama mo Alex..a-ang sama-sama mo" sambit niya at palapit ng palapit sa akin at Hindi ko namamalayan na hagdan na pala iyon.

"Ahh!!!" Sigaw ko dahil nahulog ako sa may hagdan!

At wala na akong alam Kung ano ang mga nangyayari.

SORRY FOR LATE UPDATE GUYS!
THANK YOU FOR READING!
DON'T FORGET TO VOTE!
LOVE YOU ALL!!!😘

Gabi Ng Lagim Where stories live. Discover now