GNL 12

267 30 4
                                    

Dahil sa tanong ni Anjie na 'yon ay napakunot ng noo si Rex at naging awkward Ang sitwasyon.

"Oh! guys easy....ahahahaha joke lang!,Ang seryoso niyo naman eh hahaha"

Bawi nito sa sinabi niya
Mas lalo lang tuloy gumulo ang isip ko.

"Ito yong tanong ko"
Seryosong panimula niya
"Lahat ba gagawin mo para kay alex??"
Tanong nito
"Tsk! Syempre naman prinsesa ko kaya yan!"
Sagot nya sabay kindat sakin!
Tae!! Kinikilig ako bwahahahaha
Matagal din kaming naglaro ng ganon
at mga 10 na kami nagsipunta sa room namin.
Nauna na si ellen.
Ako at si anjie nalang ang naiiwan..
Napansin ko lang hindi sya yung gaya ng anjie na kilala ko.

Umalis na si anjie which means
Mag isa ko nalang na nasa sala

Nililigpit ko lang ang mga kalat namin nang
Maya-maya nakaramdam ako ng lamig, lamig dahil humangin kasi hehe.
napahinto ako dahil parang may dumaan sa likod ko, nilingon ko iyon ngunit pagtingin ko nagulat ako ng may kulay itim na pusa ang lumabas sa may pinto.
hindi ko nalang pinansin iyon at
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko
Nagmamadali na ako dahil gusto ko ng magpahinga,anong oras na kasi at saka isa pa pagod ako.
nang matapos kona ay aalis na sana ako ngunit bigla akong nagulat dahil paglingon na paglingon ko nabungaran ko agad ang mukha ni anjie.
"Ayyyy palaka ka!!!"

"Anyare sayo??"
Tanong nya sakin na wala manlang ka rea-reaction ang mukha niya.
nakahawak ako sa may bandang dibdib ko at nagsalita.
"Grabi kana man anjie!! dika manlang nagsalita!! .nandyan ka pala! hayssss"

Sabi ko rito at ewan ko ba rito tinawanan lang ako!
"Oh bat ka natawa??"
may pagka -inis na tanong ko..

"Wala..hahahaha Sige na tulog na ako."
paalam nito at sabay alis, hindi ko nalang ito pinansin at tataas na sana ako
ng makita ko ang lola nya na nakatayo sa may terrace.
Lumapit ako don.
Tumapat ako at sumilip sa baba.
hindi ko alam pero parang nakita ko na ito.
Nagtataka ako kasi parang nakapunta na ako sa bahay na ito diko lang maalala kaya naisipan kong magtanong sa lola ni anj.
"Ahh lo....la" unti-unting bumagal at humina ang boses ko dahil paglingon ko rito ay wala na ito samantalang wala manlang akong narinig na padyak ng paa!
ayoko mang matakot ay kusang nagtayuan ang balahibo ko at napayakap ako sa sarili ko,
ng humarap ako sa may pinto upang pumask na sana ay may nakita akong nakaputi na naglalakad sa loob at papunta ito sa may kusina.
'gising pa si ellen?' tanong ko sa sarili ko at sinundan ito.
Pagkarating ko sa kusina medyo madilim madilim dahil ilaw lang sa sala ang nakabukas na ilaw.
may upuang gumalaw ngunit diko makita kaya naisipan kong isindi ang ilaw.
"hindi ka manlang mag ilaw rito" usal ko sabay lingon sa may bandang ref ngunit laking gulat ko ng wala manlang katao-tao roon!
ang upuang narinig kong gumalaw kanina ay nakaharap tungo sa kinatatayuan ko!
aaminin ko sa mga oras nato,takot na takot na ako!
gusto ko ng tumakbo at lisanin ang lugar na iyon pero bakit hindi ako makaalis?
lumapit ako sa upuan at inayos iyon sa maliit na lamesang naroon at ng biglang tumalon na pusa hindi ko alam kung saan nangaling!
nang dahil sa gult ko.
"ahhhhhh!!!!!!!" malakas na sigaw ko at
napaupo ako sa sahig dahil sa gulat ko!
hindi ko alam pero hindi agad akong makatayo!
hindi ko alam pero pakiramdam ko, pakiramdam ko talaga may lumalapit sa akin!
gusto ko ng maiyak dahil wala na akong lakas upang makatayo pa dahil sa sobrang nginig ng mga tuhod ko.
nang may biglang humawak sa balikat ko at sa gulat ko bigla akong napatingin roon ngunit walang tao! hinay-hinay akong humarap at

"Ahhhh!!!!!!Wahhhh!!!!"
malakas na sigaw ko dahil
Si..
Si.
Si...
Si anjie!!
Nakaharap sya sakin na duguan ang mukha at masamang nakatingin sa akin!
"Ahhh!!!!" malakas na sigaw ko
Nagtatatakbo ako patungo sa itaas.
Wala akong pakealam kung marami ang mga nabubunggo ko..
Takbo lang ako ng takbo..
Ng makaabot ako sa kwarto agad ko iyong isinara at
Sumandal ako sa pinto habang nakahawak sa bandang puso ko dahil sa nanghihingal ako
mga ilang sigundo lang ang nakalipas ay may biglang kumatok.
sunod-sunod akong napalunok at unti-unti akong napalayo sa may pinto

Humiga na ako sa tabi ni ellen sabay talukbong ng kumot sa akin,nakalimutan ko palang pinatay iyong ilaw makikita at makikita ko kung sino man ang papasok sa kwarto. pilit kong pinipikit ang mata ko ngunit nang maramdaman kong
nagbukas ang pinto ay agad ko itong naidilat.
Hinihintay kong may lumapit ngunit mga ilang minuto na wala parin.
unti-unti kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at tumingin sa may pinto ngunit wala manlang akong nakita ni anino!
Tumingin ako kay ellen
"Wahhh!!!!!! Ahhhh!!!"
Sigaw ko at nahulog ako sa baba dahil
Pagtingin ko kay ellen mukha ni anjie na duguan ang bumungad sakin!
hindi ko alam kung bakit ko sya nakikitang ganon!
hindi ko mapigilang maiyak at pumikit upang wala na akong makita
nakayakap ako sa tuhod ko na tahimik na umiiyak ng may humawak sa braso ko.
"huhhuuhuhu ayoko na!!!,tigilan muna huhuhu t-takot na ako huhuhuhu" malakas at may halong takot na sambit ko habang umiiyak.
"a-alex...."boses ni ellen ang narinig ko kaya agad akong napatingin rito at niyakap ito.
"e-ellen huhuhu"umiiyak na tawag ko sa pangalan niya.
"ano bang nangyayari sayo?'bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin ngunit hindi ko na ito nasagot pa dahil hindi ko mapigilan ang takot ang pag-iyak ko.
hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

TO BE CONTINUED GUYSSSSS!!!
DON'T FORGET PO TO VOTE!
THANK YOUUUUUU😘😘

Gabi Ng Lagim Where stories live. Discover now