chap 13

132 12 6
                                    

Nagising nalang ako sa boses ni ellen at anjie na nag-uusap.

"Ano bang nangyari kagabi?" Boses ni anjie.
"Ewan ko ba dito,iyak ng iyak kagabi eh" sagot naman sa kaniya ni Ellen.

Bumangon ako at gulay naman silang dalawa.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Ellen,
"Ayos Lang Naman ako hahahaha" usual ko habang tatawa-tawa pa.

"Sigurado ka?" May pag aalala paring tanong neto sa akin.
"Yes! Oo Naman!" Sagot ko rito at bumaling ako Kay anjie.
Hindi ito makatingin sa akin sa mata.
Ewan ko Kung illusion ko Lang ito.
"Ano nga palang ginagawa mo sa kusina kagabi?" Tanong niya sa akin.

Bakit niya alam?

"Alam mong nagtungo akong kusina?" Tanong ko rito at napangiti ito ng pilit.

"N-nakita kasi kita" sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa dahil naguguluhan na ako.

"Naku! Wait lang ha,'yong niluluto ko,baka sunog na" paalam ni Ellen at kami nalang ni anjie ang natitira.

Pagbaling ko rito, nagulat ako ng masama na itong naka tingin sa akin.

"A-anjie?" Tawag ko rito ngunit masama parin ang tingin nito.

"Kasalanan mo lahat Alex" mahina ngunit madiin ang pagkakasabi nito.

"A-anong kasalanan ko anjie?" Kabado at medyo garalgal na boses ko.

Kagabi Lang nangyari Yun ih bakit may take 2 pa! Huhuhu

"Kasalanan mo, kasalanan mo,kasalanan mo"
Paulit-ulit nitong sambit habang papalapit ng papalapit ito sa akin.

"A-anong gagawin mo?" Tanong ko rito.
"Kasalanan mo lahat Alex,kasalanan mo!"
Malakas na sigaw nito.

"W-wala akong ginagawa sayo..,a-ano bang sinasabi mo?" Naiiyak na usal ko rito.

"Kasalanan mo!!!!"
Malakas na sigaw nito at sinakal ako.

"W-wala akong ginagawang m-masama" nahihirapang sambit ko.

"Huuuhuhuh" umiiyak na ako,bakit ba ganito si anjie huhuhu.

Rex p.o.v

Kanina pa walang kibo si anjie pagkababa nila galing sa itaas.

"Woyy,ayos kalang?" Tanong ko rito
Ngunit deretso lang ang lakad nito.
"Alex.." tawag ko rito at lumingon Naman ito sa akin.
"Masama ba pakiramdam mo?,bakit parang wala ka sa sarili mo?" Tanong ko rito.

"Ayos Lang ako" maikling sagot nito at naupo na sa hapagkainan,
Magdadasal pa kami ngunit nauna na itong kumain.
Nagsitinginan kaming lahat rito ngunit parang wala syang pakealam.

"Baby.." bulong ko rito at napahinto Naman siya sa pagsubo.
Tiningnan niya kami isa-isa.
"Sorry" usual nito at pumikit.

"Lord,thank you for the food and..."

Nagsimula ng magdasal si

"Ano bang kasalanan ko sayo?"

Takot na sambit ni Alex at agad namang nabaling ang atensyon namin sa kaniya.

"W-wala akong ginagawa sayo..huhuhu" umiiyak na sambit niya habang nakahawak sa dalawang tainga Niya na para bang takot na takot sya.

"A-ano bang kasalanan ko sayo! Huhuhu bakit mo ba ako ginaganito?"

Umiiyak nang sambit niya.

"Alex..." Tawag ko rito habang hinawakan ko naman ang balikat nito.

"Ahhhh!!! L-lumayo ka sakin!!!" Malakas na sigaw niya at tinulak ang kamay ko.

"Alex!! Ano bang nangyayari sayo?!" Malakas na sambit ko.

"A-alex.." mukhang takot na tawag ni ellen rito.

"SORRY GUYS BUSY LANG PO TALAGA AKO SA SCHOOL HEHEHE, THANK YOU FOR READING GUYS! LOVELOTS! MUAHHHHH,😘😘😘

Gabi Ng Lagim Where stories live. Discover now