Klasrum

44 2 0
                                    

Maingay.
Magulo.
Maraming tao.
Pero sa kabila ng lahat ng ito,
Pakiramdam ko nag-iisa pa rin ako.
Maraming beses na akong nalagay sa ganitong sitwasyon.
Sa katunayan, ito na nga ang nakamulatan ko.
Pero bakit hindi pa rin ako masanay?
Pakiramdam ko nga alien ako sa sarili kong mundo.
Kasi bawat galaw ko hindi sigurado.
Bawat salitang bibitawan ko, kailangang tantiyado.
Minsan nakakasira na ng ulo,
Kasi daig ko pa ang numero sa pagka-kalkulado.

Unspoken Where stories live. Discover now