Mausok.
Magulo.
Maingay.
Maraming tao.
Maraming sasakyan.
Mabilis ang mga pangyayari.Bawal ang mabagal kasi maiiwan ka.
Bawal ang maarte kasi mauunahan ka.
Bawal ang patanga tanga kasi maaagawan ka.
Maraming bawal kaya dapat maging alerto.
Kailangang maging mautak kasi maraming manloloko.Kung may pagkakataon sugod na.
Kahit na makipagsiksikan ka pa,
Kahit na di ka na makahinga,
Kahit na mahirapan ka pa,
Ang tanging mahalaga, nakasabay ka.
Dahil hindi ka hihintayin ng mga kaganapan.
Hindi ka tutulungan ninuman.
Lahat may kanya-kanyang laban,
Lahat may kanya-kanyang patutunguhan,
Kaya sa kahit na ano pa mang paraan,
Gawin mo ang lahat upang di ka mapag-iwanan.
BINABASA MO ANG
Unspoken
PoetryWords that linger at the corner of my head, still remain unspoken... This is the compilation of my words, thoughts, poems, and drafts that remained in my journal for quite some time. I started writing some of this since 2015 but I just recently dec...