CHAPTER 20

957 29 0
                                    

After namin magcopy ng lecture tumungo na kami ni Elise sa canteen.Umorder na kami at agad na naghanap ng table.

" Era dito na kayo"  sabi ni Brayden.

Ngumiti ako at tumungo na sa table ng SSC officer. Napangiwi  ako ng makita ko si Sophie na masama ang tingin sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang nangyare sa amin. Muntik na akong mapahamak kaya naman nagpapasalamat ako dahil dumating si Chase dahil kung hindi, may nangyare na sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya at nag simula nang kumain.

" I heard na magkakaroon ng swimming competition dito sa school" Sabi ni Chelsea.

" Actually isa si Era sa kalahok!" Masayang sabi ni Elise habang kumakain.

" Really?! Well that's good!"  Eli commented.

" We will support you!"  sabi ni Zayd.

" Thank you"

Nakangiti kong sabi sa kanila. Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan ako na katulad nila. Hindi ko inaaasahan na yung mga taong kinaiinisan ko ay magiging mga kaibigan ko.

" Sumasali lang naman dun ay yung mga poor na naghahangad ng scholarship"

Napatingin kami Kay Sophie.

She smirked " bakit naghihirap ka naba? Oh wait! mayaman ka nga ba talaga?"

Napabuntong hininga ako. Heto na naman sya, gagawa na naman ng eksena.

" Ano kaba Sophie! She's part of SSC so meaning , mayaman sya!" sagot sa kanya ni Chelsea.

" Nasisiguro mo ba? What if nag fefeeling mayaman lang pala!" tumingin sya ng masama sa akin

" well , mag antay ka lang lalabas din ang totoo"

Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

" Hindi ako nag fefeeling mayaman kayo lang naman nag iisip nun! And about sa pagiging SSC officer, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko gusto yun!" 

" So totoo nga! " gulat na Sabi ni  Chelsea.

" See?! Niloloko lang tayo ng babaeng ito!"  galit na sabi ni Sophie " Chase wala kabang gagawin?!"

Tumingin ako kay Chase na masama ang tingin Kay Sophie.

" Ako ang may gawa kaya sya naging SSC officer"

Kumunot ang noo ni Sophie " kahit alam mo na mahirap lang sya? Chase naman number one rule dito sa SSC na hindi pwede maging Officer ang mahihirap na katulad nya!" galit na sabi ni Sophie.

" hindi naman nila malalaman kung hindi nyo sasabihin" natatawang sabi ni Zayd .

" We already know about this , so what's the matter?" sabi ni Eli at nag simula na ulit kumain.

Inis na tumawa si Sophie " at Sino may Sabi sa inyo na walang makakaalam nito!? They need to find out about this"

" Don't you dare"

Napatingin ako Kay Chase. Napabuntong hininga ako dahil para sakin ang babaw lang ng pinag tatalunan nila.

" Ok para matapos na ito. Sabihin mo kung ano ang totoo sa kanila o kaya humanap ka ng ipapalit sakin sa pagiging secretary!  Do whatever you want! I don't care. end of conversation."

Started with a hate ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon