CHAPTER 27

859 28 0
                                    

Pagkatapos ko gawin ang morning routine ko bumaba na ako. Napatingin ako sa mga katulong na busy sa kanilang mga ginagawa.

" Linisin nyong mabuti yan" utos ni manang Perla ang mayordona ng mansion.

Tumingin sya sa akin bago umalis upang tumungo sa kitchen. Sumunod ako sa kanya sa kitchen at nakita ko si tita Clarice na abala sa pagluluto.

" Nandyan kana pala Era" nakangiting sabi nya.

" Anong pong  meron? Bakit po abala lahat sila dito "

Binigay nya ang sandok na hawak nya sa isang maid bago lumapit at humawak sa braso ko.

" Babalik na dito ang anak ko!" Masayang sabi nya.

" Talaga po !?"  masayang sabi ko.

" Oo kaya nga pinalinis ko itong buong mansion at nagluto ako ng mga favorite nya " aniya.

" Masaya po ako para sa inyo " ani ko

" Salamat "

Tinulungan ko sila mag ayus ng mga pagkain sa lamesa. napapangiti ako dahil sa wakas makakasama na nya ang anak nya.

" Hon mabuti naman nakauwi ka!" Sabi ni tita sa isang matangkad at gwapong lalaki.

" Mahalaga ang araw na ito kaya pinilit ko talagang makauwi" 

Tumingin sakin si tita " Josh this is Era"

" Hello po sir " nakangiting sabi ko

Ngumiti ito " you can call me tito josh"

" Sige po T-ito " nahihiyang sabi ko

Ngumiti sya sa akin. Maya maya lang nakarinig kami ng doorbell agad kumilos ang katulong para salubingin ang anak ni tita. Pumunta si tita at tito  sa pinto para pagbuksan ang anak nila.  Napatingin ako sa mga katulong na nakapila at nakayuko na para bang isang prinsipe ang dadating. Tumabi ako sa kanila at yumuko rin. .

" Mahihirapan na Naman tayo " rinig kong bulong ng Isa.

" Wag ka nga maingay baka marinig ka nila " saway sa kanya ng katabi nya.

Napanguso ako. Sino kaya yung anak ni tita bakit parang takot sa kanya ang mga katulong dito. Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad nagsitahimik ang lahat.

" Welcome back sir "

Hindi ito umimik.

" I'm so happy dahil nakabalik kana sobrang na miss kita " sabi ni tita

Inangat ko ang tingin ko ng may maramdaman akong huminto sa tapat ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya.

" Chase?" Bulong ko

Hindi nya ako pinansin at tumuloy sila kitchen.

Sya ang anak ni Tita Clarice? Nag sialisan na ang mga katulong ngunit nanatili akong nakatayo dahil sa nalaman ko.

" Tatayo ka nalang ba dyan? Tumungo ka sa dining Area at pag silbihan sila doon" masungit na sabi ni manang Perla.

" S-ige p-o" ani ko at nag mamadaling tumungo sa dining area.

" I'm really happy to see you here Chase " sabi ni Tito josh

Hindi umimik si Chase at nanatili lang nakatuon sa pagkain.

" Chase kinakausap ka ng Tito josh mo"  Sabi ni Tita sabay hawak sa kamay ni Chase.

" So what? "  Poker face na sabi ni Chase at inalis ang kamay ni tita.

Started with a hate ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon