CHAPTER 39

846 26 4
                                    

Tumingin ako sa kisame habang iniisip ang lahat nangyare sa Zambales. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng makabalik kami sa Manila. There's a lot of happened, nakwento na sakin ni Elise ang nangyare sa kanila ni Aidan. Hindi ko maiwasang hindi malungkot para sa kanila.

Tumagilid ako ng higa at pumukit ngunit biglang nag flashback sakin ang nangyare sa bangka. After he kissed me hindi na kami nag kibuan. I really don't know what to do sobrang nahihiya ako.

Tumayo ako at tumungo sa terrace. I need to relax myself!

" Era"

Agad akong napamulat at tumingin sa kanya.

" Ah- ahmmm ma-tutulog na a-ko!" Utal na sabi ko at agad pumasok sa kwarto ko.

Napahawak ako sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Humiga ako at kinalma ang sarili mo. 

" Relax Era.." ani ko sa sarili ko.

Pumikit ako at pilit na inalis sya sa isip ko.

Pagkababa ko ng taxi agad akong nagtungo sa room ko. Nanghiram ako ng notes sa classmate ko para makasabay ako sa topic nila ngayon. Nang Sumapit ang lunch we decided na sa labas nalang kumain. Since ayaw ni Elise pumunta sa canteen.

" So buo na talaga ang decision mo na hiwalayan sya?" Tanong ko

She pouted " after ng panloloko nya sa akin hinding hindi ko na sya babalikan"

" Pero paano kung gusto nya pa makipagbalikan?"

" Bahala sya basta hindi na ako makikipag balikan sa kanya"

" Pinakinggan mo naba ang paliwanag nya?"

" Sinabe sakin ni Gavin pero hindi parin mababago ang katotohanan na niloko nya ako!"

" Hindi mo ba ipaglalaban ang relasyon nyo? Susuko ka nalang ba ? Akala ko ba gusto mo sya? O baka naman tama ang sinabe ko sayo na hindi mo na sya gusto dahil nahulog na ang loob mo sa iba?"

Umiwas sya ng tingin.

" H-indi ko Alam " aniya

Hindi na ako sumagot ng iserve na nag inorder namin dahil sa gutom agad akong kumain.

" So kamusta ang date nyo ni Chase?"

*Cough * cough

Uminom ako ng tubig bago tumingin sa kanya.

" Are you ok?" Aniya

Tumango at ngumiti ng pilit.

" Ahmm ok lang"

Ngumiti sya" magkwento ka Naman kung anong ginawa nyo?"

" Ahmm namasyal lang. S-umakay kami ng bangka"

" Really?! Sana sinama mo ako."

" Kasama mo si Aidan nun" ani ko.

She pouted then nag patuloy sa pagkain.

Napailing nalang ako at nagpatuloy narin sa pagkain. After namin kumain  bumalik na kami sa SUS para sa last subject.

After ng last subject  nagpaalam agad ako Kay Elise then  pumara ng taxi patungo sa mansion. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nag palit.

Bumaba ako para tulungan ang mga katulong na maglinis. Narinig kong may pumaradang sasakyan kaya naman agad akong tumungo sa kitchen para tumulong kay manang Perla.

" Kami nalang ni soleng ang bahala dito. Pumunta ka nalang sa kwarto ni sir Chase para maglinis"

" Ahmm manang pwede po bang sa iba nyo nalang ako I assign?"

Started with a hate ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon