Prologue

782 14 2
                                    

"Congratulation babeI mean Atty Jennica Acosta" napapalo naman ako sa braso nya sa sinabi ni Xeus. Ngayon kasi ay nalaman kona ang resulta ng board exam at ako ang nag top 1 thanks god!



"Bakit Acosta? ikaw talaga! hindi pa nga tayo kinakasal noh!" pagbibiro ko. Well. We've been in a relationship for almost 8 years yet hindi nya pako inaayang magpakasal. Pero okay narin yon kasi hindi parin ako handa sa lahat at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.



"Ayaw mo 'non? Mrs. Acosta? napag isipan ko na—tara pakasal na tayo" alam kong nagbibiro lang sya pero when I look at his eyes, I saw that he is serious about what he said.



"Baliw ka talaga Engr. Xeusprim Angelo Acosta.... ang pangit mo naman mag propose!" pabiro kong sabi.


He is now the CEO of the ALC dahil sya lahat ang sumalo ng responsibilidad simula nung grumaduate kami ng college. Wala na rin ibang mag hahandle ng company nila dahil namatay ang nakakatanda nyang kuya na si kuya Cael sa isang aksidente. It's been 4 years pero tanda ko parin kung pano nagwala at umiyak si Xeus noong nawala si kuya Cael.



[4 Years Ago]

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil mamaya lang ay ililibing na si Kuya Cael. Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang lahat ng mamatay sya dahil sobrang bait nito sa lahat. Totoo nga sigurong mababait ang unang kinukuha ni Lord para hindi na sila mahirapan dito sa mundo.

Tumigil ako sa pagsusuklay ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kaagad kung sino ang nasa Caller ID at nakita kong si Xeus kaya naman agad kong sinagot.


It's been 5 days simula mamatay si Kuya Cael. Five days narin hindi nagpapakita si Xeus kahit kanino samin. Kilala ko sya at alam ko namang alam nya na ang ginagawa nya pero hindi ko parin maiwasang mainis dahil the fuck! ako ang girlfriend nya! not just a girlfriend but a 4 years girlfriend! dapat ay ako ang nasa tabi nya at nagpapagaan ng loob nya ngunit nirerespeto ko rin naman ang desisyon nyang mapag isa. Kaya't labis ang tuwa ko na sa wakas ay tumawag na sya sakin.

"Thank God Xeus!" sabi ko pagkasagot ko sa tawag. "Asan ka? Ayos kalang ba? Uuwi ka na ba?"

[Baby....] paos at nakakarinig ako ng pagod sa boses nya. Alam kong nahihirapan sya sobra sa nangyayari sa kanya at sa pamilya nya. Kakamatay lang kasi ng Tatay nya last year at ngayon naman ang kuya nya.

The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now