CHAPTER 15- Teardrops of a Wife

277 7 0
                                    

Ilang linggo nang umiiyak si Hivanna. Sobrang sakit na alam mong may ibang babae ang asawa mo pero wala kang magawa kundi ang manahimik at umiyak sa isang tabi.


'Xeus you're really hurting me!'



Alam naman ni Hivanna na hindi sya nito mahal. Hindi sya mahal ni Xeus. Sa Simula't sapol ay hindi naman talaga sya ang mahal ng asawa nya.




Akala nya ay matututunan rin syang mahalin ni Xeus kapag ikinasal na sila. Nagbulag bulagan sya at nagtanga tangahan. Pinaniwala ni Hivanna ang sarili na mahal na sya ni Xeus.



The way he cares, nagbingi-bingihan sya sa lahat ng naririnig nya sa paligid na talagang mapagmalasakit lang ang asawa nya. She loves the idea of his husband taking care of her.


The way he touches her, na parang isang babasaging bagay. His touches are soft and addictive. Na parang sya ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Xeus.


Lahat ng ginagawa ni Xeus para sakanya, mas lalo syang nahuhulog...palalim ng palalim.

Pero nagbago ang lahat ng bumalik si Jennica, ang tunay na mahal ni Xeus.


Naiinis si Hivanna kay Jennica dahil bumalik pa ito sa buhay ng asawa nya. Masaya na sila at ang relasyon nila pero dahil sa babaeng yon ay unti unting nawawala si Xeus sa kanya.


Akala nya ay matitigil rin agad iyon. Akala nya ay titigilan na ni Jennica ang asawa nya dahil alam naman nyang matalino ang dalaga. She's a lawyer nga diba? Alam nya dapat ang tama at mali! alam nya na may asawa na si Xeus!


Matagal nang nakakahalata si Hivanna. Simula nang umuwi sila galing birthday ni Cloud. Pag kauwi nila ay naiwang bukas ni Xeus ang cellphone nya sa desk. Ayon na ang chance nyang malaman kung sino ang babae ng asawa nya. Halos gumuho ang mundo nya sa mga nabasa. All this time ang layo ng tingin nya! Nasa harap nya na pala!



Hindi nya pinahalatang alam nya na. Sigurado syang iiwan sa ni Xeus pag nalaman nitong alam nya na. Hindi sya papayag, ayaw nyang mawala si Xeus. Kaya nyang mag bulag bulagan, bingi-bingihan, tanga tangahan habang buhay basta sakanya parin uuwi si Xeus at the end of the day.

Yes! Makasarili sya! gusto nya sakanya si Xeus! sakanya ang asawa nya. Nang una pa lang nya itong makita sa party ng daddy nya ay agad nyang hiniling sa tatay na i arrange marriage sila ni Xeus. Sa sobrang makasarili nya, eto ang kabayaran. She didn't wish for this! She wants Xeus! Alone!

Patuloy pa rin sya sa pag iyak. Para na syang tatakasan ng bait sa sobrang pag iisip. Nabubuo pa lang ang senario sa utak nya na maghihiwalay sila ng asawa ay gusto nya nang mamatay.


She fvcking love Xeus so much! Bakit ba hindi na lang sya ang mahalin nito! Kaya nyang gawin ang lahat mahalin lang sya ng asawa nya!


"Jennica! Fvcking Jennica Madrigal! bakit ba kasi bumalik ka pa?!" pag sigaw ni Hivanna. Wala syang inaalala dahil wala naman ang asawa nya ngayon. Baka nasa kabit nya.



"MASAYA NA SYA SAKIN KAYA BAKIT BUMALIK KA PA?!" tuluyan na syang napasigaw.



Hindi! Hindi sya makakapayag na iwan sya ng asawa. Sya ang pinakasalan nito! Sya si Mrs. Acosta!


"Hivanna Acosta....that's my name!"


"I'm the fvcking Hivanna Acosta! His wife!" Hivanna said while crying.



Ganda at talino lang naman ang nagugustuhan sa kanya ng mga tao! Ang hindi naman nila alam ay isa syang ahas at mang aagaw ng asawa! Isa syang kabit pag nakatalikod kayong lahat!!


The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now