CHAPTER 1- Letting Him Go

449 14 1
                                    

"Jannica, sigurado ka bang okay lang akong sumama?" tanong ni Phoebe. Ininvite ko sya ngayon. Ngayon rin ang sinabi kong araw para sa date namin ni Xeus. Kakababa lang namin ng kotse ni Xeus at nandito na kami sa resto na pagdadate-an namin ni Xeus.



Kanina pagkadating ni Xeus sa condo ko ay nagulat sya na nandon si Phoebe. Ang sabi ko ay isasama ko si Phoebe dahil namiss ko na rin sya. Wala namang nagawa si Xeus pero panay ang tingin nya sakin at panay rin ang paghawak nya sa bewang ko.





I knew it. I know you very well, Xeus. Ganyan ka kapag may prinoprotektahan kang sikreto dikaya'y hindi mo gusto ang nangyayari.






"Ano ka ba Phoebe! Minsan nalang kita makita dahil lagi ka nasa trabaho at isa pa lagi rin naman tayong lumalabas na tatlo nung college ah! like old times namiss lang talaga kita" nginitian ko sya. Ngumiti rin sya at bahagyang tumingin kay Xeus na nasa tabi ko. Nang dumating ang order namin ay kumain kami at walang nagsasalita ni isa sa amin kung kaya't minabuti kong basagin ang katahimikan.




"So Phoebe, how was your work in ALC? Pinapahirapan ka ba nitong si Xeus?" pabiro kong sabi. Pagkasabi ko non ay naramdaman ko ang kamay ni Xeus sa kamay ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin naman ako sa kanya, agad syang umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain nya.





"Hmm ayos lang naman, Mabait naman si Xeus sakin wag ka mag alala saka masaya naman kahit nakakastress minsan" nakangiting sabi ni Phoebe habang nakatingin sakin. Ang genuine ng smile nya at mukha namang totoo ang sinasabi nya.





Gaano kasaya?




"Hmm mabuti naman kung ganon" I said. Di ko mapigilang mapangiwi. "How about your lovelife? Wala parin akong nababalitaan na nagkakaboyfriend ka na? Why is that?" dugtong ko.




"Ah kasi wala pa akong natitipuhan s-saka bukod don ay tutok muna ako sa pagtatrabaho ko" ngayon ay hindi na sya nakangiti at saka kumuha sya ng baso ng tubig saka mabigat na lagok itong uminom. Tumango nalang ako



Magandang babae si Phoebe. Matalino rin sya yun nga lang ay hindi sya mayaman pero may kaya naman sila. Sapat lang para sa pamilya nya. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya.



"Babe restroom lang ako ha" paalam ko sakanila. Pagkarating ko sa restroom ay agad akong huminga ng malalim. Umiyak ako saglit at saka ako nag ayos ng kaunti.



Nasasaktan ako sa ginagawa ko sa sarili ko. Grabe ka na Jennica! napaka masochista mo.



Pagkalabas ko ng restroom ay agad akong pumunta sa table namin. Laking pagtataka ko ng makitang wala na si Phoebe at mag isa nalang si Xeus sa Table.



"Oh where is Phoebe babe?" I asked. He just shrugged.



"May emergency daw sya sabi nya pasensya na raw next time nalang daw ulit" ngumiti sya. "Babe, tara" kinuha nya ang kamay ko at saka tumayo.



Napakunot naman ako ng noo. "Saan? uuwi na agad tayo? ang aga pa ah?" tanong ko.



Pinisil nya ang ilong ko. " of course not. We're going somewhere" nakangiti nyang sabi saka ako hinila palabas ng restò.



Habang nasa sasakyan kami ay napapansin ko ang pag ngiti ngiti ni Xeus habang nagmamaneho.


"Hoy para kang tanga ngiti ka ng ngiti dyan! umayos ka nga!" sabi ko. Tumingin sya sakin at lalo syang ngumiti para inisin ako. Ang totoo ay ang gwapo gwapo nya kasi pag ngumingiti kaya naiilang ako.
Pinalo ko sya ng pabiro sa braso nya.




The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now