CHAPTER 11- Who's That?

257 6 0
                                    

[THIRD PERSON'S]

Kanina pa napapansin ni Hivanna na napapangiti ang asawa sa byahe. Hindi nya malaman kung bakit pero naiinis sya kanina pa.





Kanina pa kasi ay lagi nalang itong nakatingin kay Jennica. Minsan naman ay mahuhuli nya itong masama ang tingin kay Cloud. Pero ngayon ay ngingiti ngiti naman ang asawa. Ewan nya pero kinakabahan sya na naiinis.




"Hubby why do you look so happy?" tanong ni Hivanna sa asawa.




Tinignan naman sya nito at nag iwas agad ng tingin. "Nothing wifey...don't mind me"




"O-okay hubby" she said.




'You looks so happy Xeus...I've never seen you smile like that before...dahil ba kay Jennica?' 




Mas lalong nainis si Hivanna ng sumagi nanaman sa isip nya ang pangalang Jennica.



'Jennica? That Jennica! simula ng dumating sya ay nag iba na si Xeus!'



Namuo ang galit sa isip ni Hivanna.

"Hubby hindi ka pa ba matutulog?" tanong nya sa asawa pagkalabas nya ng cr. Kakatapos nya pa lang mag shower.

Nadatnan nya kasi si Xeus na Nakatayo sa terrace ng kwarto nila at hawak ang cellphone nya.

Tumingin ito sa kanya at pumasok sa kwarto. Inilapag nito ang hawak na cellphone at saka kumuha ng towel.

"I'll take a shower muna." sabi nito at saka nilagpasan sya at dumeretsong cr.

Habang nagsusuklay sya ay narinig nyang tumunog ang cellphone ni Xeus sa table.

Agad naman syang lumapit para tignan kung sino ang nagtext.

Napakunot ang noo nya sa nabasa.

_______________________________
From: Babe

9:56 PM
Nakahiga lang sa kama. How abt u? :)

What yah doing?

______________________________

Agad nanlaki ang mata ni Hivanna at saka kinuha ang phone ng asawa. Sinubukan nyang  buksan ito.

1 1 1 4 1 9

Inilagay nya ang date kung kailan sila nagpakasal. Ito kasi ang pin ng cellphone ng asawa nya.


           Incorrect pin. Try again.

                   _ _ _ _ _ _



'What?! He changed it?!'







Napabalikwas sya ng marinig na tumigil na ang tunog ng shower sa CR. Agad nyang inibalik ang cellphone ng asawa sa table.





'Who is that, Xeus?! are you cheating on me?!'




pinigilang maiyak ni Hivanna. Halos mabaliw na sya kakaisip kung sino ang babaeng yon.



'Hindi...hindi...it's not Jennica, I'm sure of it!! Girlfriend na sya ni Cloud eh'




The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now