Prologue

152K 1.7K 95
                                    

Unfair man pero minsan hinihiling ko na sana naging normal na tao na lang si Derick katulad ko. Sana ang relasyon namin normal lang na katulad nung sa iba. Yung hindi namin kailangan magtago. - hindi niya ako kailangang itago sa mga taong yun.

Girlfriend ako. Kung tutuusin na sakin daw ang desisyon kung papayag ako sa gusto ni Derick. Nung sinabi niya sakin yun, gusto ko siya pagbawalan. Pero hindi ko naman kayang sabihin yun dahil alam kong unfair yun. Kahit ako ang girlfriend, wala pa din akong karapatan pigilan siya sa kung anong makakapagpasaya sa kanya. Kailangan kong tanggapin na hindi pwedeng sakin lang iikot ang mundo niya.

Sa unang yugto it's complicated kami. Pakiramdam ko worth it lahat ng pagsasakripisyo at pagtitiis. Ngayon na nasa ikalawang yugto na kami at official na mag boyfriend/girlfriend, sobrang saya naman namin.

Tinatawag niya akong "perfect girlfriend" dahil wala daw siyang maipintas sakin. Naging kampante akong hindi niya ako iiwan.

But sadly, pinagtripan na naman kami ng tadhana. And this time, one hundred times na higit ang sakit.

Sabi nila, nakakatakot maging masaya dahil pagtapos daw nun may naghihintay na kalungkutan. Hindi ako naniniwala. Basta ako ang alam ko satin nakasalalay ang desisyon kung gusto natin maging masaya o malungkot.

Pero may mga bagay na hindi mapipigilan.

Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, hindi ko na siya siguro pinayagan sa gusto niya kahit nakasalalay pa dun ang kasayahan niya.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon