09

106 11 0
                                    

Matapos mangyari yon ay hindi na namin iyon pinagusapan pa. Nakiusap din ako kaya Pres na sa amin lang ang nangyari sa araw sa yon.

Nagiging mahina na naman ako. Matagal kong nilabanan ang luha ko pero sa isang sabi nya lang napaiyak na agad ako.

Nagagawa ako ng template namin ngayon dito sa field. Habang patagal ay pahirap ng pahirap ang kursong kinuha ko pero name-maintain ko naman ang mga grades ko.

Malapit na ko mag 3rd year college. Akalain mong ang bilis ng mga araw? Gusto ko ng grumaduate, tatlong taon at kalahati nalang. Kaya pa, Rius!

I saved enough money to rent an apartment. Hindi naman ito kalayuan sa condo ni Keith. Mamaya lamang ay maglilipat na ko ng gamit. Pupunta rin mamaya si kuya sa apartment na napili ko.

Siguro ay magdadala ng stock ng pagkain. Hay! Buti naman at mahihiwalay na ko sa pinsan ko! Palagi may dalang babae yun!

Nalaman nang kuya ko na nagtatrabaho ako. Nung una ay napagalitan nya ko pero nakita naman nyang hindi ko napapabayaan ang pagaaral ko kaya hinayaan nya nalang ako.

Alam ko rin na malaking tulong na hindi ako humingi ng pera sa kanya lalo na at buntis ang asawa nya.

Hindi alam ni mom na nagtatrabaho ako dahil alam kong patitigilin nya ko. Nung nakaraang buwan pa nang huling umuwi ako, mukang kailangan ko na ulit umuwi para hindi na sila magalala.

Nung nakalipas na death anniversary ng kapatid ko ay pinapunta ni mom si kuya sa condo ni Keith para kamustahin ang lagay ko. Ang laking abala ko na sa kanila.

Matapos din na umiyak ako kay pres ay naisipan ko na hawiin na ang bangs ko. I know it sounds easy, na dapat matagal ko na ginawa.

But I can't blame myself, I am traumatized, and people should respect that. Hindi yung para sa kanila maliit lang na bagay 'to, iisipin na nila nagiinarte ka lang.

Kahit dito man lang ay gusto ko nang matakasan ang kinakatakutan ako. Habang tumatagal ay unti unti akong nasasanay sa mga matang nakatingin sakin.

May iba na mababakas ang panghuhusga, may iba naman na parang normal lang sa kanila at may iba naman na nagagandahan.

"Sirius!" I rolled my eyes. Tinakasan ko nga sya tapos nahanap nya pa ko? I looked at her and she's not alone. Kasama nya sila Pres.

"What?!" Iritado kong sabi. Agad nya naman tinaas ang dalwang kamay nya na parang sumusuko sa pulis.

"Whoa! High blood ka na naman." She said laughing. Agad naman silang umupo sa tabi ko. Bakit ba hindi nalang iba ang pestehin nila?!

"Ganda mo talaga lalo na nung nakikita na namin mata mo. Hindi ka na mukhang multo." Zach laughed. Bat ba sila nandito? Alam ko namang maganda ko!

Napatingin naman ako kay Pres na nakatingin din sakin. I raised my eyebrow.

"Why are you looking at?" I said in bitch tone. Nakita ko namang nagpipigil sya ng tawa. Bwisit!

"Mas lalo ka naging masungit!" He laughed. I rolled my eyes at him. Ang gwapo naman nya tumawa! Unfair!

Kahit medyo close na kami, medyo lang ha, mas lalo ako naiinis sa kan'ya kase may naging triple pang-aasar n'ya!

"Sirius!"

Agad naman akong napatingin sa tumawag. Sa dulo ng field ay naglalakad ang pinsan ko. Ang lakas naman ng boses nya! Kailangan ba isigaw ang pangalan ko?

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now