15

77 9 0
                                    

I slowly opened my eyes when my phone vibrate. Too early to beap! Pikit mata ko itong tinignan at napagtantong alarm pala na sinet ko bago matulog kagabi. Exactly 3:00 am.

Bahagya akong sumilip sa labas ng bintana at nakitang nababalutan pa rin ng kadiliman ang paligid. Dahan dahan akong tumayo para makapag ayos ng sarili.

Dumeretso ako sa kusina para magluto, pagkatapos ko kumain ay naligo na kaagad ako. Kailangan ko magmadali,  mahigit isang oras lang naman ang byahe pabalik ng probinsya kailangan ko rin agad makabalik dito dahil baka mamaya ay sumulpot dito sa Ashton na wala ako. Hassle.

Hindi naman umabot ng trenta minuto ang pag aayos ko dahil simpleng pancakes lang ang kinain ko. Palabas na ako ngayon sa apartment at sinigurong nakasarado ito ng mabuti.

I'm wearing white shirt and jeans, simple yet comfortable. Napatingin ako sa kalangitan bago tipid na ngumiti.

Makulimlim pa rin ang kalangitan at mapapansin ang pagkawala ng ilang mga bituin. Bumuntong hininga ko bago tuluyang naglakad paalis.

Wala akong pinagsabihan na uuwi ako ngayon sa probinsya, saglit lang din naman ako don dahil kailangan ko rin umuwi agad dahil may pupuntahan daw kami ni Dionne. Kung saan ay yun ang hindi ko alam.

Napatingin ako sa cellphone ko habang nag aabang ng bus na sasakyan. Damn! Why do I feel so disappointed? Uh, I don't know either! Nakalimutan ba nila?

Yeah, of course Sirius. Nasanay lang siguro ako na sa araw na ito minsan alas dose palang ay tinetext na nila ko o tinatawagan.

That three bitches, hindi ko alam kung ba't hindi kami nagkakausap-usap! Samantalang nandito lang din naman sa Manila si Gab at Neriana. Si Gez naman ay hindi ko alam kung saan lupalop ng earth dahil palipat lipat ng tinutuluyan.

Pagpasok ko sa loob ng bus ay puno ito. May isa lamang pwesto sa dulo akong nakita. Maglalakad na sana ko papunta sa likod nang mapansin ko ang lalaking katabi ng bakanteng upuan. His feature are too soft! Nakatingin ito sa labas kaya kitang kita ang kalahati ng mukha nito.

He has a pointed nose, thick eyebrows that fits perfectly to his soft brown eyes! Mula dito ay tanaw ko ang kulay tsokolate nitong mata dahil nasisinagan ito ng ilaw.

I even saw his jawline tightened a bit and close his hands na animoy gigil na gigil pero hindi pa rin makakabawas iyon ng pagiging kalmado ng mapupungay nyang mata.

Ang kulay nya ay moreno na siguradong nakadagdag pa sa pagiging gwapo nya!  Definitely a boy next door for me!

"Miss, tatayo ka lang ba dyan?" Natigil ako sa pagiisip nang magsalita ang kondoktor. Napangiwi ako dahil sa hiya.

Nahihiya naman akong napabalik ng tingin sa unahan bago magsimula ng lakad. Nakakahiya! Inangat ko ang paningin ko at saktong sakto sa mata ng lalaking tinitignan ko kanina.

Damn! He look like an angel! It's not like I'm already cheating on my boyfriend but I really just appreciated his features! Too soft and gentle! Para bang hindi sya gagawa ng masama. Swerte magiging jowa nito!

Dumeretso ako sa tabi nya at nahihiyang umupo. Napansin ko naman mula sa peripheral vision ko ang pagtingin nya pero binawi agad ito at tumingin nalang sa labas.

Dahan dahan kong ipinikit ang mata ko pero hindi ako matutulog. Sobrang hindi ko gusto ang presensya ng katabi ko! Pakiramdam ko anghel sya samantalang demonyo ko kaya hindi kami pwede na maglapit.

Nararamdaman ko na ang pagtigil tigil ng bus hudyat na may nagbababaan nang ilang pasehero pero hindi ako nag abalang magmulat ng mata. Pakiramdam ko ay nakatingin ang gwapong katabi ko sakin!

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now