11

103 10 0
                                    

"Pansinin mo na ko, Sirius!" He pouted again. For the nth time. Kanina pa nya ko pinepeste!

Nandito kami ngayon sa sementeryo ni Ashton. Nauna na kong pumunta dito at naiwan sa bahay sila Mom. May pupuntahan din kase ako mamaya kaya maaga kong pumunta para hindi masyado matao.

Ito naman si Ashton ay hinayaan ko lang bumuntot sakin at hindi ko sya kinakausap pero napupuno na talaga ko sa kanya!

"Ako Ashton wag mong iniinis. Baka ipakain ko sayo tong kandilang hawak ko!" I said irritated.

"Edi busted mo na talaga ko?" He asked. Ano bang sinasabi nito? Natural hindi! Gwapo na magiging bato pa.

"Hindi nga! Ayaw ko lang ng maingay. Itahimik mo nga yang bunganga mo!" I said irritated. Agad naman nyang inakto ang kamay nya sa bibig nya na parang sinasara ito.

Pumunta ko sa tapat ng puntod ng kapatid ko at naglagay ng bulaklak. Sumunod naman sya sakin at inayos ang telang dala namin para makaupo kami.

Napansin ko naman ang pagtahimik ni Ashton, mukang nakaramdam na sya. Sunod kong sinindihan ang kandilang hawak ko bago ito itinirik.

I sighed and smiled a little. Patawarin mo ko Snow sa napakadaming pagkukulang. I wasn't there when you needed me the most.

Kung ang kagustuhan mo ay ang palayain ka sige, pagbibigyan kita. Papalayain na kita, susubukan kong mawala yung konsensyang dinadala ko, ibabaling ko sa iba ang atensyon ko para sumaya kahit papaano.

Mahal na mahal ka ni ate. Isasama kita sa lahat ng tagumpay ko.

Lihim akong tumungo saka bumuntong-hininga. Nakita ko naman ang pag galaw ni Ashton.

"Hi, Snow!" He said. Nagulat ako, pero nginitian n'ya lang ako. "Pasabi naman sa ate mo kausapin ako, oh.."

I laughed a little. Baliw talaga s'ya. "...kanino ba nag mana 'to? Pinaglihi siguro sa sam---aray naman!" Sinamaan ko s'ya ng tingin matapos hampasin.

Ngumuso s'ya saka humarap uli sa litrato ng kapatid ko. "Wala kang dapat ipag-alala. Pangako, aalagaan ko ang ate mo.." I got silent by that. Lihim akong napangiti.

Nanatili kami ng isang oras don bago umalis. Walang gustong magsalita saming dalwa kanina ni Ashton matapos n'ya kausapin ang kapatid ko.

Mukang natuyo na ang laway ng isang yon. Pagkalabas namin ng sementeryo ay hinarap ko sya.

"Mauna ka na sa bahay, alam mo naman ang daan diba?" Sabi ko. Tumingin naman sya sakin ng nakakunot ang noo.

"Bakit ikaw?" Tanong nya.

"May pupuntahan pa ko." Saad ko. Mas lalo lang kumunot ang noo nya.

"Edi sasama ko sayo." Sabi nya. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Hibang ba sya? 

"May kikitain ako. Umuwi ka na." Sabi ko. Agad namang naningkit ang mga mata nya.

"May iba ka bang lalaki?! Mas lalo akong sasama sayo!" He exlaimed. I raised my eyebrow to him. Siraulo ba to?

"Anong pinagsasabi mo dyan?" I asked. He tss-ed. Aba!

"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta manahimik ka don." I said. He smiled widely bago sumaludo sakin.

"Aye aye captain!" He exclained. I rolled my eyes. Minsan talaga may sapak sya sa utak.

Agad kaming nag tricycle sa pupuntahan namin. Hindi ko na pinadala pa sa kanya ang kotse nya kanina dahil malapit lang naman sa bahay namin ang sementeryo.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now