12

66 9 0
                                    

"Wait! Sa'n mo ba ko dadalhin?" Naiiritang sabi ko. Kanina nya pa ko hinihila! Humarap sya sakin na nakataas ang isang kilay.

"Duh? Pinapapunta ka ni kuya sa bahay diba? Let's go! Punta muna tayo sa mall." Sabi nya bago ko sinimulang hilain ulit. Tumigil naman ako kaya napatigil din siya.

"What?" She said rolling her eyes. Kumunot naman ang noo ko.

"Anong gagawin natin sa mall?" Nagtatakang tanong ko. Inirapan nya ko bago tignan simula ulo hanggang paa.

"Obviously! Bibili tayo ng susuotin mo. Let's go, it's already 5pm!" She exclaimed. I almost rolled my eyes. Kaartehan talaga.

"Eto na ang suot ko." Prenteng sabi ko sa kanya.

Napaawang naman ang labi nya. Ano ba problema nito? Wala naman masama sa T-shirt at jeans na suot ko. Ano gusto nya mag gown ako?

"Seriously?" She asked in disbelief. Umirap ako bago magpatuloy mag lakad. Agad naman syang sumunod sakin.

"Okay, fine! Kahit ano naman suot mo, gusto ka pa rin ng kuya ko." Saad nya. Hinayaan ko nalang sya. Bahala sya dyan.

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan nya at kanina nya pa ko kinukulit para lagyan ng make up. Bakit kailangan pa mag make up? Napaka arte talaga nitong babaeng to. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatigil nya.

"Will you stop?" Iritadong sabi ko. She frowned.

"Ang KJ mo lagi!" Bulyaw nya sakin. Inirapan ko lang sya bago isalaksak ang earphone sa tainga ko. Napakaingay.

Tumigil kami sa isang malaking bahay na minsan na namin napuntahan nung hinatid si Dionne. Ang laki naman nito! Pero bakit parang maingay sa loob? Okay? What's going on?

"Let's go, Rius!"

Bumaba na ko sa kotse. Pansin ko ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay nila.

"Anong meron? Bakit madaming bisita?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Nanliliit naman ang mata nyang tumingin sakin.

"You didn't know? I can't believe you!" She hysterically said. Siraulo. Magtatanong ba ko kung alam ko.

"Uh, nevermind! Let's go. They're waiting." Pagpapatuloy nya bago ako hilain papasok.

Pagpasok namin sa loob ay napatingin samin ang mga tao sa loob. Dim lights na paligid at pamilyar ang mukha ng iilan na nandito dahil nakikita ko sa university.

May party? Oh shit! Ako lang yung naka T-shirt! Lahat ng mga nandito ay pormang porma. Aatras na sana ko na may narinig ako tumawag samin.

"Rius!" Tumatakbong pumunta si Zabdiel samin.

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa kaya napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya naman!

Naglapitan na rin ang isang barkada ni Ashton pero mapapansing wala ito dito. Nasan na ang ulupong na yon? Sana man lang sinabing party ito! Makakatikim talaga sakin ang lalaking iyon mamaya.

"Seriously? What are you wearing?" Sab asked. I rolled my eyes at her.

"Obviously. Clothes." Barang sabi ko. Umirap naman sya sakin.

"Whatever."

"You look good." Eustace said. Inirapan ko naman sya. Baka mahanginan na mata ko kakairap ah!

"Insulto ba yan o papuri talaga?" Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya.

"Of course, not! I mean, uh. You really look good. Very simple." He said and touched the tip of his nose. Natawa naman ako sa kanya. Halatang hindi n'ya alam ang sasabihin.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now