#40

21 3 0
                                    

"Where's the eyeshadow palette?!" Natatarantang tanong nung makeup artist sa mga assistant niya na pare parehas ring aligata kakahanap nuong palette.

nasa 15 staff ata ang nasa loob ng kwarto, 4 para makeup-an ako, 3 para ayusin yung buhok ko, 5 para i ayos yung dress na gagamitin ko, 3 naman para sa shoes and jewelries.

12:30 na at 2 mag st-start ang party, formal iyon kahit na mga kaibigan at kakilala ko ang imbitado dahil sabay na ang graduation party at birthday celebration ko.

Sila Mommy at Daddy ay busy sa pag ch-check kung maayos na ba ang ballroom kung saan darausin ang party. Ngayon pa lang ay napapagod na ako kahit wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang maupo rito sa tapat ng vanity table ko.

Rose pink na cami pleated tulle maxi dress ang inihanda nila. Bagay na bagay dahil sa maputing kulay ng balat ko. Plain white T-strap heels naman ang bumagay rito. They styled my hair in a dutch braid messy bun na may nakatusok na hair clip na punong puno ng diyamante. I heard that this is a product that is yet to be launched in our company, ako palang daw ang makakagamit nito.

Pakiramdam ko ay mabubulag ang lahat ng mapapatingin sa akin once na tutukan ako ng ilaw dahil mag rereflect ang lahat ng accessories na sinuot nila sa akin.

"This Rose Quartz Pendant will go well with your dress." Aniya ng isang Jewelry Advisor, habang isinusuot sa akin ang silver necklace. Simple lang iyon, Pear shaped pendant ang rose quartz at may mga diamond sa itaas. Pink Tear drop crystal earrings ang partner non.

1:30 na nang makuntento sila sa pag aayos sa akin. Proud na proud silang panoorin ako habang tinitignan ko ang sarili ko sa malapad na salamin, umikot ikot pa ako para makita ang sarili ng kabuuan. Napakaganda, alam kong maganda ako pero mas gumanda ako lalo.

Hindi ito ang karaniwang style ko, ngayon lang ako nag suot ng dress na mababa ang v line. Ang slit rin ay mataas, ilang centimetro ang layo sa aking tuhod. I looked somehow mature.


Binigay nila sa akin ang pink satin clutch bag na animo'y cellphone ko lang ang kakasya. I insisted on not needing it since i could just hold my phone or leave it here pero parte raw iyon sa porma ko.

"Ma'am andiyan na po sa foyer si sir Arthale kasama po si ma'am Arythe." Anunsyo nung isang maid, huminga ako ng malalim at bumaba na ng staircase. naroon na nga si Art at ate Arythe, hindi sila sa west wing dumaan. Dito sila sa mismong bahay dahil parang pamilya na ang turing ko sa kanila.

As always, sopistikadang sopistikada ang ayos ni Ate Arythe. Navy blue Halter mermaid dress ang suot niya, Isang crystal hairclip lang ang nag hahati sa buhok niya sa gilid kaya tumumbad ang pearl earrings.

"Naks, apakaganda naman birthday girl!" Nag echo ang ingay ni Arthale sapagkat napaka tahimik sa foyer dahil abala ang lahat sa hall. Pormal na pormal ang suot niya sa kaniyang Navy blue tuxedo, huwag lang niyang ibubuka ang maingay niyang bunganga para hindi masira ang ayos niya.

"Happy Birthday Elouise." Nakipag beso ako kay ate Arythe, matangkad siya. Nasa lahi nila iyon, kaya kahit hindi naman maliit ang height ko ay nag mumukha akong pandak kahit 5'7 ang height ko.

Dinalo ko na sila sa hall, naroon na rin ang ibang bisita. Napag desisyonan kong huwag nang mag program at mag patugtog nalang para sila na ang bahalang mag sayaw. Ang mga pagkain ay nakapalibot sa buong hall kaya kahit saan ka pumunta ay may makukuha ka, ang gitna naman ay para sa mga nais mag sayaw.

Nang mabati ko na ang naroon ay aligaga na akong tumingin sa paligid, 2:30 na... Where is he? 

"Ma'am, Dethrion Isaac po." Bulong ng isang staff kaya nag liwanag agad ang mukha ko. Lahat kasi ng darating ay sasabihin nila sa akin, ibinilin ko sakanila iyon para kapag dumating si Dice ay agad kong malalaman.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now