#73

14 2 0
                                    

nagising ako nang maramdaman kong umalis si Isaac sa kama. Pasikat palang ang araw sa labas ng bintana. I checked my phone pero walang kahit isang text message mula kay kuya.

"Aalis ka na?" Inaantok ko siyang sinundan ng tingin habang nag papalit ng pang itaas na damit.

Hindi na nag breakfast si Dice dito dahil mahaba pa ang byahe niya pauwi. Mabuti na lang at wala siyang scheduled operation ngayong araw kaya 5AM na siya gumising.

Mag isa lang akong kumain ng agahan pagkatapos kong maligo. Wala parin yung kapatid ko. Kahit sino sa kanila ang tanungin ko ay hindi nila alam ang isasagot dahil bigla na lamang daw umalis ang lalaking yon.

[Yes, baby?] Rinig ko ang tunog ng makina, mukhang nag tatahin si mommy ngayon.

"May sinabi ba si kuyang pupuntahan niya?" Tanong ko. Alam ko kasing napakadaldal non kila mommy at lahat ay kwinekwento niya.

[He told me yesterday he'll be watching lang anak.. is something wrong?] I bit my lower lip, i started feeling worried.

"N-nothing mom... Kailan kayo babalik rito?" Pag iba ko ng usapan. Ayoko munang sabihin sa kaniya na hindi pa umuuwi si kuya dahil baka mag alala lang kami sa wala.

[Next week siguro.. Next month pa sana kaso magaling mamilit yung kuya mo. He was able to convince your dad to go back earlier.] I chuckled. We decided that they'll stay with us here in the mean time.

Lolo told me that he already talked to the board and they will remove Uncle Luis as the Acting Director. So basically, he was fired already. Siguro bukas na ako pupunta sa kumpanya para tignan kung ano na ang lagay nito.

He also removed his rights to the manor so i'll have to handle that as well. I wanted to make renovations kaya naman hindi kaagad makakalipat roon sila mommy. I really didn't like what they did to the house. Ireremodel na nga lang, hindi pa maganda.

Mabilis akong tumakbo papuntang entryway nang marinig kong bumukas ang pinto. Naibsan ang kaba ko nang makitang si Asher ang pumasok.

"Where have you been?! 8 AM na!" Lumapit ako para tulungan siyang maglakad. Sabi na. He reeked of alcohol! Though maayos ang pagkakasuot niya sa button down niya, mahahalata mo ang gusot nito. The first 3 buttons were opened and he didn't even have his tie.

"Kuya naman. Alam mong hindi ka pwede sa mga ganiyan." Natatarantang singhal ko. Nakaupo na siya sa sofa at dinalhan ko siya ng tubig na maiinom. Mukhang may hangover siya at masakit ang ulo.

"Tapos mag isa ka pang umalis! What if you pass out again?! ha?! be thankful that you got lucky this time."

I can't even try to imagine him suffering from an attack and none of us were there to help. Wala ako, wala ne isa sa mga tauhan namin. Kinilabutan ako sa isiping iyon. It could have been really dangerous. I brushed my brother's hair so i could see his face clearly. He knows what he's not supposed to do and yet he still did it....why?

"Did something happen? come on... you can tell me." Mas lumamlam na ang boses ko. Sumenyas ako kay manang Cheri na mag handa ng mainit na sabaw para sa kaniya.

Hindi sumagot ang kapatid ko at nanatili lang na nakatungo. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya at may napansin akong kung anong marka sa kaniyang kwelyo.

My heart beated faster when i thought it was blood but thankfully it wasn't.

bakit may bahid ng lipstick ang kwelyo niya?

Twisted Fate (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now