#68

21 2 0
                                    


Nagising nalang ako sa tunog ng paulit ulit na nag d-doorbell. I groaned as i sat up on the bed, rubbing my eyes.

Maliwanag na sa labas, i glanced at the digital clock on the study table and it was 7 in the morning. Tumingin ako sa gilid ko at awtomatikong napangiti—my boyfriend is still sleeping like an angel.

Mahimbing ang tulog niya dahil hindi parin maganda ang pakiramdam niya, i told Neobe that he'll be absent today kaya hindi na rin magawang mag pumilit ni Dice.

Lulugo lugo akong bumaba ng kama at sinuot ang slippers ni Dice, nasa kabilang side ang slippers na pinahiram niya sa akin pero tinatamad akong pumaroon kaya ito nalang ang ginamit ko.

"Wait." Sigaw ko habang papunta na sa tapat ng pinto. Kung maka doorbell naman kasi wagas! Hindi naman pang pabilis ng lakad yung kung gaano kabilis pipindutin ang doorbell!

"Ah--" Naibagsak ko ang pinto dahil sa gulat. Shit! Bakit ko sinarado ulit! Dali dali kong pinag buksan ulit si Ashton, mukhang nagulat din dahil sa ginawa ko.

"A--ashton..hehe." Mukha siguro akong tangang bagong gising na tamang kamot lang sa batok dahil hindi alam ang sasabihin. Ano nalang ang iisipin niya? Oh bakit nandito yung ex ng kapatid ko pag tapos niyang mag MIA ng 9 years?

"It's been a while." Nakangiting sabi niya, he was supposed to go for a hug pero napa atras ako. Bagong gising ako, bakit ako magpapayakap sa napaka ayos na nilalang na ito. Agad niya namang naintindihan iyon kaya natawa nalang siya.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay, pasimple kong sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri at nag tatanggal ng muta kung mayroon man. Mabuti na nga lang at wala akong natuyong laway.

"So you slept here?" Bigla ay tanong niya.

"Y-yeah.. May sakit kasi yung kapatid mo. Teka gisingin ko na," Hindi ko na siya inantay makasagot at tumakbo na ko paakyat sa kwarto.

As much as i want to stare at his sleeping face, i have to wake him up! Hindi ko na alam ang gagawin ko kay ashton!

"Gising." Niyugyog ko ang balikat niya, he just groaned and turned around on the other side.

"Dice, gising na." Tinapik ko siyang muli pero hindi parin siya gumigising.

"Yung kuya mo nasa baba.."

"Hmm.."

"Dethrion. Yung ex fiancee ko nasa baba, ako nalang ba ang kakausap?" Pinag krus ko ang braso ko at mataray na tinignan siya. I hid my smirk when i saw him immediately sit up, still half asleep.

"What the hell, love?" Asik niya, habang inis na ginugulo ang kaniyang buhok. Iniwan ko na siya roon para makapag hilamos, Sabi niya sa akin kagabi ay kumuha nalang muna ako ng damit sa closet niya kaya iyon ang ginawa ko.

I took a shower, sadly wala akong extra undergarments kaya yun nalang rin ang isinuot ko. I wrapped my body with a towel and entered his walk in closet. Katulad na katulad nga ng sa loft niya, pati lahat ng damit ay bilang lang ang kulay.

In the end i decided to borrow a pair of black sweatpants and a white hoodie. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako bumaba sa living room kung saan nag uusap ang mag kapatid.

"Where's Frion?" I asked once i sat beside Dice who gave me a kiss on the cheek. mukhang nakapag hilamos na siya, hindi na siya mukhang bagong gising maliban na lang kung titignan mo ang magulo niyang buhok.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Where stories live. Discover now