Sapilitan

32 18 3
                                    

Hindi niya lubos maisip kung ano pa ba ang maaaring masisilayan sa likod ng kaniyang mga mata. Ang kaniyang dinaramdam ay para bang isang tuldok sa buong mundo, hindi mapaliwanag ni hindi batid ang totoo.

Hindi niya mapigilan ang sariling umiling sa tuwing kaniyang naiisip ang nangyari kung bakit nagdurugo ang kaniyang kamay. Bakit nga ba talagang siya'y nabighani sa kagandahan ng bulaklak na rosas na hindi man lamang niya natandaan ang mga tinik nitong taglay?

Bigla rin naman siyang napaupo hawak hawak ang kaniyang dibdib dahil sa pagsikip nito. Mga mata niyang sumisigaw sa muli nanamang paghikbi. Kaniyang isip ay gumagawa ng mga delusyon, mga mukhang pilit pinapangiti. Tila ang lahat ay kaniyang pilit inaabot, hinihila papalapit. Kaniyang pagpilit na imbis siya'y mapasama, naiwan na lamang sa isang tabi.


I don't know how to describe this one, maybe prose? You tell me~

English version will be updated right away but for those who understood any thoughts?

A Piece in My HeartWhere stories live. Discover now