First Letter

138 7 3
                                    

Crush


"Umuwi ka nang maaga ngayong araw Margaret ha. Walang tao rito sa bahay."


Tumango ako rito at nagmano. For the past few days, laging busy si Mama sa online business niya. I don't have a choice but to support her. Hindi naman kasi kami mayaman. We're in the middle class type of a family. Si Papa ay engineer sa Singapore. His salary is fine to support our needs. Pero minsan ay kinakapos pa rin iyon.


My Kuya is now on his college year. Third year na ito ay nagbabalak maging kapitan ng isang barko. His tuition and other fees are no joke, besides he's staying on their dorm in his school. Kaya minsan lamang makauwi rito sa amin.


"Margaret pwede ba. Mag-ayos ka naman. Dalaga ka na. Look at your hair and where is your contact lenses? Binili ko pa naman yun para sayo. Use it."


"Ma, it's Maggie po. I'll use it later. Mahangin sa biyahe kaya baka matuyo delikado po iyon."


Before she can nag me again, I waved her goobye and immediately left.


She always like that, ayaw kasi nito na hindi ako nag-aayos. I'm still in Senior High. Grade 12 pa lamang ako kaya hindi pa ako handa sa mga make-up products. It can harm my skin, medyo sensitive rin kasi talaga ang balat ko.


"Good morning po Kuya Jerry." I greeted our security guard. Maraming nagagalit dito dahil masyadong istrikto but I find him okay.


"Magandang umaga Maggie. Saan duty natin today?"


"Library po." I smiled before I left him.


I'm an SA scholar. Kahit senior high pa lamang ay pinagbigyan na akong maqualified. Wala rin naman kasing nagnanais na college student, they are all pretty rich. Kayang-kayang bayaran ang 6 digits na tuition.


When I entered the library, it's super cold. Marami na ring mga tao roon. Their little chitchat and murmurs makes a loud noise. Napabuntung hininga ako roon. Wala rin akong dalang jacket.


"Nagreklamo na naman po sila na mahina ang aircon kahapon, Ma'am Les?"


"Yes, Maggie. Ewan ko ba sa mga iyan ang lamig lamig na nga."


Umupo ako sa mini table ko at inilagay roon ang mga gamit ko. My class will start at 10 am. May dalawang oras pa ako para magawa ang trabaho ko rito sa library.


I roam around and saw some books in the table. Hindi na naman binalik sa mga shelves iyon. I got those books and look for it's own shelves. Malalaki ang mga iyon at malalayo ang lalagyan.


"Need help?"


A man in his eyeglasses asked me. Nakaupo ito at nagbabasa ng libro. Nasa gilid siyang parte ng library. I understand him, ito rin ang pwesto ko minsan. You can sleep here and read books peacefully.

Love Letters and Melodies (Monarchy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon