Chapter 8
Driver
"Mag-iisang linggo ka nang ganyan Crystal. May smiling spell ba yang ballpen na yan na sa tuwing titingin ka jan ay kailangang ngingiti ka." intrigang usisa ni Gia sa akin.
It's friday afternoon at nasa labas kaming lahat maliban sa mga cleaners na nasa loob ng classroom na naglilinis.
Apat na araw na ang nakalipas nang mangyari ang eksena namin ni Christian sa hagdan with my panda ballpen. I know it sounds crazy but I think since that day nag-camping na ang imahe ni Christian sa isipan ko.
"Don't mind me." sagot ko sa kanya. Ngumiti naman ng mapang-asar si Gia.
"Don't tell me bigay ni Apollo yan? Uyy ikaw ah." tukso nito sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Hindi ah. Bakit naman ako bibigyan ng ballpen nun." tanggi ko sa kanya. Ewan ko na nga kung anong nangyayari kay Apollo.
Ang sabi sa akin ni Nanay ay palagi daw ipinapasyal ni Nanay Mathilde si Apollo para na din mas makilala nito ang lugar namin. Yung malalapit lang na pasyalan pinupuntahan nila pagkat matagal din na hindi nakauwi si Nanay Mathilde kaya hindi pa nito masyadong kabisado ang ibang lugar.
Kung sa bahay naman, palagi kasi akong nasa kwarto nakatambay at madalang lang akong lumabas, saka lang yun nangyayari kapag kakain na. Minsan saka lang ako bumababa kapag tapos na silang kumain.
Hindi naman sa umiiwas ako, Christian just occupied my mind this past few days. Dagdag mo pa yung mga requirements namin na kailangang tapusin, malapit na kasi ang 1st quarter exam.
"Eh sino nagbigay niyan?" pangungulit nito.
"Wala." tanggi ko sabay talikod sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa may hagdanan papuntang third-floor. Dun muna kami habang hinihintay na matapos ang mga cleaners, dipa kasi kami dinidismiss ng adviser namin. May sasabihin pa ito bago kami pauwiin.
"Ikaw ah, nagsesekreto ka na sa akin." nagtatampong sabi ni Gia.
"Sasabihin ko din in time." maikling sambit ko para mag-tigil na ito sa pangungulit. Binulsa ko na lang ang ballpen para hindi na nito pansinin.
"Crystal may chismis ako." biglang sabi sa akin ni Gia. Napatingin naman ako sa kanya. Binuksan muna nito ang baon na candy bago ito nagpatuloy.
"Apparently may bago daw tayong tranferee next week." bulong nito.
"Huh? Saan mo naman nabalitaan?" kuryusong tanong ko. Malapit na ang quarter exam paano yun hahabol.
"Diba nalate ako kanina?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. "Habang nasa SAO ako para kumuha ng admittance form nakita kong kausap ni ma'am Balata yung parent nung transferee." kwento nito.
"Paano mo nalaman na parent yun ng transferee?" dudang tanong ko. Umirap ito sa akin bago nagpatuloy.
"Syempre may hearing powers ako lalo na pagdating sa mga chismis. Narinig ko yung usapan nila. Ang sabi ni ma'am Balata, 'Thank you for choosing this institution, your child may start next week.' end of qoute." pagmamalaki nitong pahayag.
Napaisip naman ako dito, well baka STEM or ABM. Yung dalawang strand na yun kasi ang maraming estudyante kaya malamang yun ang pinili.
Apat na strand ang offer ng SLC Senior High. ABM, STEM, HUMMS, at TECH-VOC. Sa ABM may walong section, sa STEM pito, sa HUMMS dalawa, at sa TECH-VOC naman ay isang ICT at isang HE.
Sa three-storey building ng SLC Senior High, the first floor consists most of the ABM strand sections, the SAO office, HE and ICT sections, and animation room for ICT. Nasa first-floor din ang boy's CR. Sa second-floor naman ang 2 sections HUMMS strand where Gia and I belong, and some of the STEM strand.
YOU ARE READING
Crystal Snow (ELYU SERIES #1)
General FictionIn the enchanting realm of international politics, where alliances are formed and destinies are entwined, two individuals from vastly different worlds find themselves caught in a whirlwind of secrecy, danger, and forbidden love. The mysterious Ji-Ho...