Chapter 9

19 1 0
                                    

Chapter 9

Push Cart




"Ano pang kulang?" tanong ko kay Apollo. Nandito kami sa may CSI mall para mag-grocery.

Nanay Mathilda forgotten to buy the other ingredients for our ulam tonight, kaya naman tutal marunong din naman daw mag-maneho si Apollo siya na lang ang pinabili. Sakto rin daw para sunduin na ako.

Isang sakayan lang ng jeep ang SLC mula sa bahay kaya madalas nag-kocommute ako.

Nasa canned goods section kami at ako ang taga-tulak ng push cart habang si Apollo ang may hawak ng listahan at taga-kuha ng bibilhin.

"Two corned beef, Argentina." basa nito sa binigay na listahan ni Nanay.

Napakunot ang noo ni Apollo dahil dun. Tumingin ito sa mga naka-display na de lata at tinignan kung mayroong Argentina. Bagot ko siyang tinignan because mukhang matatagalan na naman kami sa Argentina.

Kanina pang ganito ang nangyayari. Pag-pasok pa lang namin ay nag-offer na ako kay Apollo na ako na lang bibili kasi I'm familliar sa mga kadalasang binibili ni Nanay, kaso he declined.

He is used in buying sa grocery kaya naman siya na lang daw, kaya hinayaan ko na lang din. Nakasunod lang ako sa kanya while he confidently strode off to the grocery entrance. Wearing light brown khaki shorts and white fit shirt with sneakers in also white then black cap with a check mark, he looks like a model cut out from a magazine. 

Ako pa nga ang kumuha ng push cart kasi nakalimutan nito. Nung una okay pa naman, but then nung nasa spices at seasonings na kami he start reading all the labels of the products on display. Dun na kami naantala. He is so tagal.

When I tried to help him ang sabi nito he can manage but mag-iisang oras na ata kaming paikot-ikot di pa rin ito tapos. Hindi rin naman mahaba yung listahang binigay ni Nanay.

"The Argentina is that one." naiinis kong turo kay Apollo. Tumingin naman ito sa tinuro ko at kumuha ng dalawa.

"Get the larger one. That's the usual size na kinukuha ni Nanay." sabi ko sa kanya.

Binalik naman nito ang unang kinuha at pinalitan ito ng dalawang malaki. Nag lakad itong muli habang krino-cross out ang nakuha na, humiram ito kanina ng ballpen sa akin at sa kasamaang palad yung panda na ballpen ang naibigay ko. Sinubukan ko pang bawiin pero ayaw na nitong ibigay. Tinitignan ko na lang siya ng masama the whole time na ginagamit nito.

Tinignan ko ang laman ng aming push cart at napansin may mga bago sa usual na grinogrocery ni Nanay. Dere-deretso lang ang tulak ko habang nakasunod kay Apollo ng bigla na lang akong may  nabanggang isa pang push cart. 

"Omg, sorry po." agad kong paumanhin sa nabangga ko. I look up and say sorry sana again nang makita kong si Christian ang may tulak-tulak ng other push cart. Recognition flooded his eyes nung makita niya ako. Tho it's been four days he still remembered me.

"It's you again." nakangiting sabi nito.

Gaad why is he so gwapo? He is still wearing his polo uniform ngunit nakabukas na ito showing his white shirt inside.

"Hi, yeah I'm sorry ulit. Diko tinitignan yung dinadaanan ko." nahihiyang bati ko sa kanya.

He was about to say something ng biglang may lumapit ditong babae at may nilagay sa push cart ni Christian. After that tumingin ito sa akin bago lumapit kay Christian clinging her hands to his arms possesively.

Di wow. Di naman masakit. Ouch.

"Babe sino siya?" tanong ng babae kay Christian. Babe daw, double kill. She even eyed me up and down.

Crystal Snow (ELYU SERIES #1)Where stories live. Discover now