chapter 11

3 1 0
                                    

Getting to know her better

Kiro

"Gusto mo bang magikot muna dito sa city ?" Tanong ko kay alaine habang naglalagay ng mga pinamili sa likod ng kotse

"Yeah miss ko na rin ang city eh " sabi nya

Ibang iba ang mundo ng tao sa mga bampira sa totoo lang

Ang mundo ng tao parang halos lahat ng tao nasa labas atsaka antataas ng mga building at tabi tabi ang mga bahay

Sa mundo ng mga bampira naman
May mga bampira ding nasa labas pero hindi kasing dami sa mundo ng tao at walang mga building doon yung mga bahay naman ay hiwalay at malalaki din kasi ang mga bahay sa mundo ng bampira

Aba ikaw kaya mabuhay ng walang kamatayan hindi ka pa ba yayaman

Ang pamilya ko kasi mayaman din pero sadyang ayaw nila ako bigyan ng kotse hindi ko alam kung bakit

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko habang nagdridrive

"Sa cafe street tayo" sabi ni Alaine

Ang city kasi maliban sa may malalaking building may mga sikat na lugar din bawat street may iba't ibang bagay at style

May sweet Street doon yung mga inrelationship at magasawa

May vintage street din doon obvious naman sa panglan dba vintage isang alley lang sya na puro iba't ibang vintage cafe,store at iba pa

Business street lahat ng taong stress dahil sa work doon pumupunta puro cafe doon at mga work store

Resto street puro restaurant naman ang nandoon

Western street naman malamang western Ano pa ba

Cafe street iba't ibang cafe ang nandoon cat cafe, dog cafe, nature cafe at iba pa

Ang pinaka main na lugar dito sa city is yung central park isang malawak na Field sa gitna ng city cool dba

Nagpark ako sa labas ng cafe street at lumabas para pag bukasan si Alaine ng pinto

Ngumiti naman sya saakin at lumabas na ng kotse

Minsan hindi ko alam kung anong mood ni alaine kanina parang bata tapos masungit tapos ngayon ngumingiti na sya baliw ba sya ?

Nakaramdam ako ng isang malakas na hampas sa batok ko

"Kanina ko pa nababasa yang isip mo akala mo" sabi ni alaine

Napaaray nlng ako at hinimas ang batok ko ang hilig nya manaket ah
Nilagyan ko nlng ng harang ang isip ko para hindi nya na mabasa pa ang isip ko

"Tara" sabi ko at hinila sya papunta ng cafe street

Habang naglalakad kami sa alley hindi ko maiwasang mapatingin Kay alaine habang kumukuha ng pictures

Sobrang ganda nya para syang anghel pero may pagkademonyo sa loob

Yung mahaba at wavy na buhok nya
Yung mahabang pilik mata at matangos na ilong
At yung malambot na labi nya
Yung magandang ngiti nya

Why im a so inlove with her ?

"Hey smile!" Sabi ni alaine at agad akong kinuhanan ng picture

"Hoy burahin mo yan ang panget ko sa picture na Yun" reklamo ko

Paano ba naman nakanganga ako habang nakatulala sakanya

Tumawa sya at pinakita saakin ang screen ng camera

"Habulin mo muna ako blehh" sabi nya at tumakbo

Hindi naman marami ang tao dito sa street kaya hinabol ko sya

The Heart (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang